*****
Tahimik kaming lahat habang papasok ng Condominium. Walang may nagsasalita ni isa, at kung titingnan mo kaming lima ay para kaming mga Zombie kung maglakad. At ang layo din ng distansya namin sa isa' isa. Hindi nila ako hinahawakan o nilalapitan man lang.
Ako ang nagbukas ng pinto at ako din ang unang pumasok. Pagpasok ko ay pabagsak akong umupo sa sofa. Napagod ako physically and mentally. Ang bigat ng bawat paghinga ko siguro ay gawa ito ng pagpipigil ko ng luha. Siguro?
"Ate." tiningnan ko si Yanyan. Sa wakas ay binasag niya rin iyong katahimikan. Tipid akong ngumite sa kanya pero hindi ako nagsalita. Nagmamakawa yung tingin niya, hindi ko alam kung bakit. Akala niya siguro ay galit ako. Hay. Umayos ako ng upo at nagsalita.
"Hindi po ako galit kung iyon ang inaalala ninyo." sabi ko pero kahit na inassure ko na hindi parin nagbago ang ekspresyon ng mga mukha nila. Bumuntong hininga ako at nagsalita ulit.
"Nay, Tay, Yan, Karlo. Hindi po ako galit sa inyo n-nasasaktan lang ako." sabi ko at ito na naman yung luha ko nagbabadya na namang tumulo. Nakakainis.
"Ate sorry na."
"Please huwag kayong lalapit. Ayokong umiyak Yan." pagpipigil ko sa kanya dahil akmang lalapitan niya sana ako.
"Nak. Hindi masamang umiyak alam mo 'yan."
"Alam ko po pero ayokong umiyak Nay. Ayoko." sabi ko habang umiiling pa.
"Ate naman! Huwag ka namang ganyan dahil sa ginagawang mong pagpapalayo sa amin ay pakiramdam ko galit ka samin." sabi ni Karlo.
"Hindi...hindi Karlo nagkakamali ka. Hindi ako galit sa inyo dahil lang sa nalaman kong hindi kayo ang totoo kung pamilya--"
"Dahil ba kay Sir JAZ?" biglang sabi ni Tatay. Yumuko ako at kumirot nalang bigla yung puso ko.
"Sa kanya ba ate kaya ka nasasaktan? Hindi mo matanggap dahil kapatid mo siya ganoon ba?" tanong ni Yanyan.
Hindi ako sumagot nanatili lang akong nakayuko. Maya-maya lang ay naramdaman kong may yumakap sakin at doon na nagsimulang tumulo yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"N-nay, Tay." niyakap ko rin sila pabalik. Ang sakit. Shit lang.
"Ang s-sakit Nay. Sana sinabi niyang kapatid ko pala siya para nilayuan ko siya ng maaga." iyak lang ako ng iyak. Niyakap pa kasi nila ako kaya ayan tuloy ayaw ng huminto nang luha ko.
"Pasensya na Nak ha. Kahit kami ay walang alam. Kung alam lang sana namin edi sana natulungan ka naming lumayo sa kanya at hindi ka nasasaktan ng ganito. Hayaan mo Nak tuturuan ko siya ng leksyon." sabi ni Tatay. Napangite naman ako.
"*sniff*. T-tay naman. Huwag niyo na pong saktan."
Tumawa lang ito sa sinabi ko at pinunasan yung luhang tumutulo sa pisnge ko. Pinat naman ni Nanay yung ulo ko.
"Hindi ko inaasahan iyong sinabi ni S kanina kasi wala man lang suspense. Direct to the point talaga." tumawa ako ng onti sa sinabi ni Nanay. Ang adik kasi.
"Ate pasensya ka na kung hindi namin sinabi sa iyo ang totoo ha. Nag-aalala lang naman kami para sa iyo." sabi ni Yanyan. Nilapitan ko siya at niyakap sabay bulong.
"Actually Yan matagal ko ng alam na ampon ako. Hindi ko lang sinabi sa inyo dahil gusto kong kayo mismo ang magsabi sa akin. Naghihintay lang naman ako. Siguro kanina na yung time na pinakahihitay ko at hindi ko inaasahan iyon...na gaya ng sabi ni Nanay na wala man lang suspense ang pagkakasabi ni S. Direct to the point talaga." Pagkasabi ko no'n ay umalis nako sa pagkakayakap sa kanya at nakita ko yung gulat sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
AzioneWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...