++++
"Kweba?" Tanong ko sa kanya.
Paanong nagkaroon ng kweba dito. Eh kanina hindi ko naman to nakita. Pero kung sa bagay madilim naman kasi ang lugar na ito.
"Come with me." sabi niya.
Umiling naman ako. Ayoko natatakot ako. Baka kasi may biglang humigit sakin o di kaya may humawak sa paa ko. Ayoko nga. Eh! Creepy noh.
"Trust me."
Pagkasabi niya nun. Bigla niya rin akong napapayag. Hindi ko rin alam kung bakit basta I trust him nalang. Pero pag may humawak talaga sa paa ko sa loob. Naku! Lintik lang ang walang ganti. Rerepin ko siya--este kikilitin ko yung buhay niya kahit na gwapo pa siya. Hmmp.
Pagkapasok namin. Namangha ako. Kasi may kubo pala dito sa loob at makikita rin yung langit pagtumingala ka.
"Ang ganda namin dito Zenberg." Mungkahi ko.
Ang galing naman. Nakahanap siya ng ganitong lugar. Napangiti nalang ako. Paano niya kaya nakita ang tagong lugar na ito? I bet minsan na siguro tong naglayas. At tsaka siya napadpad dito.
Hay. Ang sarap ng hangin dito at kung gusto mong mapag-isa. Tamang tama tong lugar nato sa mga nag-eemo at kung may tinataguan ka mang utang pweding-pwedi dito.
Makautang nga ng malaki. Tapos dito nalang ako magtatago. Tiyak hindi nila ako mahahanap. Hihihi. Ang galing ko talaga.
"Why are you smiling?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya habang natatawa. I can't believe it na makakaisip ako ng ganitong idea.
" Wala naman may naisip lang kasi ako. Kung may utang pala ako na malaki ay dito nalang ako magtatago. Hihihi."
Pinitik niya naman yung noo ko.
"Hoy! Nakakarami ka na ng pitik ha. Hobby mo talaga yung noo ko noh?!"
Kainis kasi eh. Tingin ko namumula tuloy yung noo ko sa ginawa niya. Ang sakit pa naman ng pagkakapitik niya parang kamay ng higanti na ang bigat.
"Ang sama kasi ng iniisip mo."
Ang KJ naman nito.
"Hindi alam ang salitang joke? Grabi to"
"Tsk."
"But don't you ever do that. If you need money I will give you." Seryosong sabi niya at ako naman ngayon ang pumitik sa noo niya. Ha! Kala niya ha.
"Sa tingin mo mangungutang ako? Lah! Pero pwedi narin. Mangungutang nalang ako sayo. Hihi." Sabi ko sabay ngiti ng napakatamis. Mangungutang ako sa kanya tapos tatakasan ko siya. Yung tipong hindi na niya ako makikita kailan man.
"Tsk."
Wala ng may nagsalita saming dalawa. Kaya humiga nalang ako at tumingin sa langit. Nakakarelax. Pumikit ako para mas madama ko pa lalo yung ihip ng hangin.
"Zenberg" tawag ko sa kanya. Pero hindi siya nagsalita. Napamulat ako at nakita kong nakahiga rin pala siya sa tabi ko at nakapikit rin. Lumapit ako sa kanya at tiningnan siya.
Spell NGA-NGA?
Goodness! Ba't ang gwapo ng lalaking to. Oo na siya na ang gwapo. Siyang siya na talaga. Hindi naman kasi maikakaila.
Ang tangos ng ilong, ang puti pa. May dimple pa. Haay. Ano pa ba..
"Anong iniisip mo?"
"Ay kabayo"
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
حركة (أكشن)We don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...