#3

2.8K 74 3
                                    

+++++

Nandito kami ngayon sa tambayan ng mga ugok para umpisahan ang plano. All settled na ang lahat at huwag kayo kinutyaba ko rin ang iba para magawa namin ito. Kasalukuyan silang nanonood ng T.V ngayon sa sala. Napataas na ngalang iyong kilay ko dahil may oras pa silang manuod kaysa sa suyuin kami. Mga hinayupak talaga.

Napangisi ako ng batunihin ni Carol ng maliit na bato si Michael, na kasalukuyan nasa itaas ng kisame kasama sina Philip, Nick at Mrie, na nag-aala ninja. Buti nalang at hindi siya nakikita ng mga lalaking ito sa baba niya dahil malamang sa alamang nasa loob siya nito. Nilagyan lang namin ng konting butas at mga pinto na hindi masyadong mahahalata ng mgaito. May tiwala naman akong hindi bibigay ang kisame kasi base kay Philip, matibay ito.

"Peste!" mura ni Michael at tumingin sa itaas. I smirked. Wala itong nakita.

Ibinalik nitong muli ang tingin niya sa T.V at napatawa ako sa isip ko ng biglang tumayo ang mga ito sa sobrang gulat. Bigla ko kasing inilipat ang channel sa may horror. Nasa labas ako actually at nakasilip sa kanila. Nakacostume ako ng pangdemonyo. Namumula ang mga mata ko tapos may sungay. Well.

"Guys, guys iyong lamesa gumagalaw!" Kenneth shouted to them. Nagsiatrasan naman sila at biglang napatingin sa T.V dahil inilipat ko na naman sa ibang channel. Nakita kong nabitawan ni Zenberg ang remote control na hawak niya.

Pffft.

At halos mangapa ang mga ito ng gumalaw lahat ng bagay sa loob ng tambayan nila. Thank you sa mga technologists na hinire ni Philip. Sinabayan pa namin ng kidlat-kidlat effect dahilan para lalong mamutla ang mga mukha nito. Halos magyakapan na silang anim sa sobrang takot. Napatawa pa'ko ng makitang nahubaran na si Ryan sa sobrang hawak sa kanya ni Michael. Kita na ang brief nito. Naka jersey kasi silang anim kaya madali lang hablutin paggusto mo silang hubaran.

"Damn Mikaela sasapakin kita! Yung short ko!" sigaw nito.

Ngumite ako ng mapatingin sa gawi ko si Kenneth at hindi ko ma-explain ang pagmumukha nito.

"Gago!" he shouted sabay takbo. Nagsitinginan silang lahat sa'kin at mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo sila habang nagsisigawan. At hindi ko ni ini-expect na pati si Zenberg at Darryll nakisigaw rin.

"Ahhhh. Gago! Minumulto yata tayo! Nakita ko si Jaemi!" Darryll shouted. Pfft.

Jaemi daw.

"Fuck! Dude huwag kang mambato!" sigaw ni Ryan kay Zenberg.

"Gago hindi ako!" sigaw nito pabalik.

Tumakbo ako papasok ng bahay ng patayin ni Philip ang ilaw. Nagkanya-kanya na kaming anim sa pananakot sa mga hinayupak na ito.

Ang tinakot ko ay si Zenberg. Sinundan ko siya kung saan man siya magpunta at puro mura ang naririnig ko sa bunganga niya sa tuwing tinatakot ko siya.

Hahaha. So gay maboy ko.

"Fucking shit! Where the hell is the bathroom!" he monologue habang tumatakbo. Natawa pa'ko nang mahawakan ko ang paa nito, bigla itong sumigaw ng todong-todo. Halos mabasag ang eardrums ko buti nalang at hindi matinis ang boses nito dahil kung nagkataon baka masapak ko na siya ng husto.

Ang sakit rin pala sa tiyan magpigil ng tawa. Ang e-epic ng mga mukha nila na akala mo naman nirape sila nang ilang milyong bakla.

Nang makita ko si Darryl ay kinuhit ko siya. Nang mapatingin ito sa gawi ko ay akmang susuntukin niya sana ako pero nawala ako ng parang bula.

Hahaha. Well, lumipad lang naman ako. May lubid kaya sa bewang ko. Nyenye.

"The hell!" At bigla itong natumba.

"Pfft. Hahaha."

Nahimatay ba naman e? Ibinaba ako ni Philip at nambiktima na naman ako. Ang nakita ko si Michael sa isang gilid. Nagtatago ito sa ilalim ng mesa. Akmang tatakutin ko sana siya ng maunahan ako ni Yanyan. Hinila nito ang paa ni Michael at dinala sa kung saan.

"Kyaaahhh. Holy mother of cow! Oh, god! Oh, god. Guide us. Guide---kyaaaaaahhhh..." sigaw nito ng magpakita ako.

Nagbilang ako ng tatlo and as expected nahimatay ito. Nag-apir kami ni Yanyan.

"Nice ate," she whispered.

Si Justine naman ang pinuntahan ko na kasalukuyang nilalambitin ni Nick, na kunyaring isang white lady. At katulad ko nilagyan din ito ng lubid. Dumaan ito sa kisame ng tambayang ito. Panay ang sigaw ni Justine habang ang mga paa nito ay nakalambitin.

"Ahhh. Bring me down! Bring me down! Damn it!"

Napailing nalang ako at pinuntahan si Zenberg. Nakita kong pumasok ito sa Bathroom and I smirked.

Wrong move maboy ko.

Agad ko siyang pinuntahan at kumatok sa pinto. Katok lang ako ng katok. Hindi ko ito tinantanan. Nang makita ko si Yanyan ay sinenyasan ko siyang siya muna ang kumatok ng kumatok. Dahil aakyat ako, dadaan ako sa kisame at lulusot sa bathroom. Pagkaakyat ko nakita ko si Philip hindi kalayuan sa'kin. Halos lahat kasi ng possible nilang puntahan ay nilagyan namin ng pinto ng sagano'n ay matakot namin sila ng husto.

Naging tila isang haunted house ang bahay dahil sa pinaggagagawa namin. Nakita ko sa loob ng bathroom si Zenberg na nakaupo sa tabi ng bathtub. Nakabukas ang ilaw dito kaya pinatay ko. Nagulat ito at walang hambang nagsasalita ng mga salitang hindi ko maintindihan.

"Umaliskaumaliskahuwagkangbumalikhuwagkangbumalik. Takotakotakotakoayokosayoayokosayo," ito ang mga sinasabi nito.

Sinitsitan ko siya at medyo klaro na sa pandinig ko ang mga sinasabi niya dahil bigla itong lumakas. Nagulat pa ito ng batuhin ko siya at kasabay no'n ang pagsign of the cross niya.

Hahaha. Marunong siya no'n? Taray!

Ang hindi ko ini-expect na gagawin niya ay nagagawa niya. At pambihira para siyang bakla.

"Umalis ka, umalis ka. Huwag kang bumalik, huwag kang bumalik. Takot ako, takot ako. Ayoko sayo, ayoko sayo." Paulit-ulit niya lang itong sinasabi. Dahan-dahan akong bumaba. Pinaandar ko ang shower sa may bandang likod nito. Kinalabit ko siya at halos mawalan ito ng boses dahil sa sigaw niya.

"Fuck youuuu!"

Tumawa na ako ng malakas.

"Hahaha. Epic. Grabi Zenberg hindi ko aakalin na sisigaw ka ng ganyan. Hahaha. Shit ka--sakit ng tiyan ko."

Tawa lang ako ng tawa at halos lumuhod na'ko dahil ang sakit na talaga ng tiyan ko. Kanina pa'ko nagpipigil pero pakingtape lang hindi ko na napigilan.

"Hahaha. Ang babakla niyong sumigaw," sabi ko pa. Nagulat ako ng biglang umilaw ang ilaw. Nagkatinginan kami ni Zenberg at halos talunin ko ang kinatatayuan nito dahil kusang gumalaw ang switch. Wala sa plano ito.

"Zenberg!" Niyakap ko ito sa sobrang takot.

Shit. Nakita ko talaga! Hindi ako nagmamalikmata.

"Jaemi," we both uttered.

.

.

.

.

Ladymania.

Hehehe. Sana magustuhan niyo. Happy All Saints Day.

At pabasa narin po ng story ni baby Ren. Hehe.

LOVE CAUTION po ang title. salamat. Anak nila Sunny at Zenberg. Hahaha. Tenchu. 😚

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon