Chapter 32

4.1K 133 6
                                    

+++++

Michael Pov

Ilang araw nang nawawala si Sunny simula noong naglaban ang dalawang partido. Nakakainis kasi yung JAE na iyon eh! Epal talaga kahit kailan. Tapos na yung Christmas at magnnew year na mamaya, hindi pa rin namin siya nahahanap. Sana man lang makita na namin siya before midnight para masaya at makapagcelebrate kaming lahat ng sama-sama.

Sina Mang Kiko at Aling Silvia, na ngayon ko lang nakilala ay halos mabaliw na sa kakahanap kay Sunny girl at pati si S galit na samin dahil hinayaan daw naming kunin si Sunny ng Ama nito. Oo Father niya kung sa ingles pa!

Mga tauhan ng Ama niya ang nakalaban namin noong araw na iyon at matagal na nilang balak kunin si Sunny pero hindi nila makuha-kuha dahil bantay sarado kami sa kanya. Pero this time, sa hinaba haba ng pagbabantay namin, ngayon pa talaga. Tsk. Kung kailan dumadami na ang mga tauhan na inuutusan ni Tito Qu para patayin siya ay doon pa siya nakuha!

"Oh ano? Saan daw dinala si Sunny?" Tanong ni Aling Silvia kina Yanyan at Karlo.

"Nay hindi namin madetect si Ate. Si Ate! Ilalayo nila si Ate!" anytime gusto nang magwala ni Yanyan. Nag-aalala siya nang sobra sa Ate Sunny niya. And sa nakikita ko ay talagang mahal na mahal niya ito. Hay. Pati kami nag-aalala na baka kasi hindi na namin siya makita kailanman dahil ilalayo na ito ng Ama niya sa amin at hindi na hahayaang mapalapit pa sa dating kinaugalian niya. Pero alam ko namang magiging safe siya doon. I know hindi hahayaan ni Tito na masaktan yung kaisa-isa niyang anak. He loves Sunny so much, I know that. But he's a selfish man and I know that too because I already met him before when I was a kid.

Tumingin ako kina Insan na ngayo'y nakaupo sa isang tabi at nag-uusap pero hindi naman namin dinig. Pero napakunot lang yung noo ko nang mapansin kong kulang sila. Wala si Jeth, mukhang hindi nila kasama. Himala naman ata. "Insan yung leader niyo asan?"

Nagkibit balikat lang siya sa'kin. Simula no'ng mawala si Sunny nawala rin yung lalaking iyon. Ni anino niya hindi ko na nakita at ngayon ko lang talaga napansin na pati siya nawawala. Pero parang wala lang sa kanila na nawawala yung kaibigan nila.. pero kung sa bagay matanda na iyon at malakas pa. At napansin ko lang rin na sa tuwing hinahanap namin si Sunny ay parang wala silang gana. Tapos palagi pa nilang sinasabi na nasa mabuting lagay lang si Sunny panigurado.

Alam ko naman iyon pero--Wait! Ah Brasos d' Marcedes! Bakit ngayon ko lang naisip ito?! Aish! Ang gaga ko rin eh noh? Bakit hindi ko naisip na kay Jeth si Sunny? Hay! Alam kong mapaglaro yung lalaking iyon pero pagdating kay Sunny, alam kong hindi niya ito hahayaang mawala at malayo sa kanya! Naku naman! Lumapit ako sa tatlong ito at pinagbabatukan sila isa-isa.

"Damn! Problema mo?!" sabay nilang sabi. Chorus talaga teh?!

"Umamin nga kayo?! Na kay Jeth ba si Sunny?" mahinang sabi ko. Ayokong marinig nina Mang Kiko baka magkagulo lang eh. Alam niyo na hindi parin welcome to'ng tatlong ito sa organisasyong kinabibilangan namin.

"Wala kaming alam." Ryan said pero halata namang nagsisinungaling.

"Walker umamin ka." may pagbabantang sabi ni Sab. Napanganga nalang akitch dahil nasa tabi ko na pala itong babaeng ito. Akalain mo 'yun? Chismosa rin pala.

"Umm. Moo. Kasi..." Panay lang ang ikot ng mata ni Insan. Tsk. Huli ka talaga balbon!

"Where is she?" Justine asked.

Napabuntong hininga nalang silang tatlo. Wala rin naman silang choice eh. Halata na kasi magdedeny pa. Tsk.

"Sumama kayo but please keep it as a secret. Sana'y walang makaalam nito, for the sake of her safety." sabi ni Insan. Tumango naman kaming tatlo.

Book 1: When I Met This GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon