++++++
Michael's POv
Halos magkadadapa na ko sa sobrang pagmamadali dahil sa sinabi niya. Kalerke yung babaeng yun ginawan pa ko ng problema. Nanahimik iyong katawang lupa ko ay ginising niya.
'Ano pupunta ka ba? Kung hindi alam mo na ang mangyayari Mickey ko. Dead!'
Ayan. Yan yung text niya sakin. So, sinong hindi magmamadali kung iyan ang message na matatanggap mo mula sa babaeng iyon? Sinabi nang hindi kami talo eh. Pinipilit talaga niya. Ang sakit sa ulo. Blackmailer talaga ang babaeng iyon kahit kailan.
'Oo pupunta ako. Don't try me Carol. Subukan mo lang talaga dahil ako mismo ang papatay sayo!" text ko sa kanya.
Subukan niya lang talaga dahil pupugutan ko siya ng ulo. Swear! Huwag niya akong sagadin dahil pag ako na inis makikita niya talaga.
'Basta pumunta ka. Tapos ang usapan Mickey ko. Nasaan ka na ba ha?' text niya.
Ay ang kulit na bata. Paulit-ulit nalang ba kami ganun? Saan ba pinaglihi itong babaeng ito at kay tigas ng ulo?
'Nandito na. Nasaan ka?' Text ko sa kanya.
'Dito sa rooftop ng Injap Hotel'
Anak ng tinapa naman oh. Nagmadali akong pumasok sa hotel. Sumakay ako ng elevator at pinindot ito sa pinakamataas na floor syempre which is 50th floor pa. At ilang minuto pa ang hihintayin ko bago makarating doon.
Pagkadating ko, nakita ko siyang nakatayo sa itaas at konting galaw nalang niya ay mahuhulog na siya. Nilapitan ko siya at tumingala.
"Ano sa tingin mong ginagawa mong babae ka ha?!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko siyang nakangiti at nakapeace sign pa. What the?! Nauto ako ng babaeng to ah.
"Hehe. Pumunta siya. Concern siya sakin!" Sabi niya at bumaba. Tiningnan ko siya ng masama. How dare her! Alam niya ba kung anong tinahak ko para lang makapunta dito? Pero ano? Wala! Wala akong napala!
"What do you think you're doing Carol? Hindi ka nakakatuwa. Ginamit mo si Sunny para lang dito?" I said to her. Nakakainis siya.
"Mickey ko. Sorry na. Wala lang kasi akong maisip na dahilan. I'm so desperate to have you. To see you. You know that!" Sabi niya habang nakabusangot ang mukha. Napailing nalang ako. Wala na talaga siyang pag-asa.
"Don't do that again Carol. Dahil kapag ginamit mo pa ulit si Sunny. Swear! Hinding hindi mo na ako makikita kailanman." Take that bitch. Paano ba naman kasi sinabi niya sakin pag hindi ako pupunta papatayin niya si Sunny. So, sino ang hindi magagalit o maiinis sa ginawa niya? Marami na nga ang nagtatangka sa buhay ng babaeng iyon, dadagdag pa siya.
Alam niya kasing walang kalaban laban si Sunny sa kanya. Hindi niya rin naman pweding magamit si Sab o Justine laban sa akin dahil alam ko at alam niya na kaya siyang patumbahin nang dalawang iyon nang walang kahirap-hirap kaya ito si Sunny girl ang ginamit niya.
"Yeah. Yeah. Sorry again. Kasalanan mo rin naman kasi eh. Kung pinatulan mo lang sana ako hindi ko magagawa iyon." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Hoy babae! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na pareho tayong babae ha? Kahit kailan hindi kita papatulan." I said to her at tinalikuran siya at nagsimulang maglakad patungo sa elevator.
Naramdaman ko naman yung pagsunod niya sa akin. At narinig ko ring nagdadabog siya. Psh. Kaming dalawa lang ang nasa elevator ngayon at alam niyo kung ano pa yung nakakainis? Sinusundot sundot lang naman ng bruhang ito ang tagiliran ko. My ghaad.
BINABASA MO ANG
Book 1: When I Met This Gangster
ActionWe don't meet people by accident. They are meant to cross our paths for a reason... When it's time for souls to meet, there's nothing on earth that can prevent them from meeting, no matter where each may be... The story of Sunny Myel Sarosa and Jeth...