"Sementeryo? Bakit tayo nandito? Sinong namatay?"
Nilingon ako ni Aeshna at nginitian. She then held me by my hand. Hinatak niya ako papunta sa tapat ng isang puntod.
I bit my lower lip. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Hapon na ngunit hindi naman masyadong mainit dahil natatakpan ng mga ulap ang sikat ng araw.
"Hayan!" Aeshna exclaimed.
Tumigil siya sa paghatak sa akin at nakangiting tinuro ang puntod na nasa tapat namin. Tinitigan ko iyon.
"Ina, si Empress. Empress, si Ina."
I blinked twice. Her mother?
Sa hinaba haba ng panahong nakasama ko si Aeshna, ngayon ko lang narinig ang tungkol sa nanay niya. Naisip ko na noon na baka namatay nga ngunit...
Ang mga katulad namin, hindi madaling namamatay. We are not humans. Hindi kami katulad nila na namamatay kapag sobrang tanda na.
We will just cease to exist if someone killed us. O kung may isang makapangyarihang nilalang na nagpataw ng sumpang kamatayan sa amin.
Which is impossible in our world. Dahil doon, walang mangangahas na pumatay ng kahit na sinong Diyos o Diyosa dahil kapag nangyari iyon, mawawalan ng tagapangalaga ang mga elemento rito sa mundo ng mga tao.
Sinulyapan ko si Aeshna na nakangiting tinitignan ang puntod ng ina.
"Was she... killed?" maingat kong tanong.
Tumango siya. "Nagkaroon ng kaibigang tao si Ina noon. Matagal silang nagkasama kaya alam na niya ang tungkol sa kung ano talaga kami," kwento niya. "Nang oras na kinailangan ng taong iyon ng tulong, ibinigay ni Ina ang natitira niyang kahilingan para lang maging masaya ang kaibigan niya."
I bit my lower lip. Umihip ang panghapong hangin kaya bahagya kong hinaplos ang braso.
"May nakakita sa proseso ng pagtupad niya sa kahilingan ng taong iyon, Empi."
Umawang ang labi ko dahil sa gulat. I couldn't imagine how horrible that scene was.
"Kumalat sa mga tao ang tungkol doon kaya... ayon." She chuckled wearily. "Sinunog nila ang bahay namin. Niligtas ako ni Ina kaya... siya ang napahamak."
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung saan kumuha ng lakas ng loob ang sistema ko para makaramdam pa ng inggit kahit pa hindi iyon nararapat. Mali, alam ko. Dahil, siyempre, hindi ba? Namatayan si Aeshna. Tapos heto ako, naiinggit sa kaniya?
But... I just couldn't help but to imagine that same scenario.
Paano kaya kung ako ang naroon? Paano kung kami ni Ina ang nasa sitwasyon nila?
Gagawin din ba niya ang ginawa ng nanay ni Aeshna? Ililigtas niya rin ba ako?
Suminghap ako at bahagyang itinuon sa ibaba ang tingin. Parang may kung anong kumurot sa puso ko dahil sa naisip.
Siguro dahil alam kong... imposible.
Suntok naman sa buwan 'yang pinapangarap mo, Kaia. Alam mo naman na, hindi ba? Mula pagkabata, namulat ka na sa katotohanang iyan. Kaya bakit ka pa nag-iisip ng ganyan?
I swallowed hard. Hindi ko maiwasan. Siguro kasi... kahit na alam ko na ang totoo, umaasa pa rin ako na may magbabago.
That there would be a miracle. Na darating ang araw na mararanasan ko namang mahalin. 'Yong ako naman. Kasi simula noon, 'yon lang naman ang hiling ko, e. Iyon lang ang pinapangarap ko.
Gusto ko lang namang maranasan na may magmahal sa akin. Kasi kahit paulit ulit ko mang itatak sa utak ko na hindi ko kailangan ng iba...
Nakakapagod din palang maging mag-isa.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...