Chapter Fifteen

124 7 9
                                    

His eyes are bloodshot and it's screaming pain and longing. Punong puno ito ng pagsusumamo habang nakatingin sa akin.

Accept him, he said.

I felt my hands trembling. Humugot ako ng isang malalim na hininga at bahagyang napayuko.

Kaia... You know for sure, right? Na hindi pupwede? My mind says that this isn't going to work. We're not the same. At... aalis ako.

But my heart always want to rebel. Nandito na naman ang kagustuhan kong sumaya kahit panandalian lang. Bumalik na naman ang pag-asa ko na kahit isang beses lang... may magmamahal na sa akin.

Pumikit ako nang mariin. I can't do this. Everything is confusing me.

"I'm s-sorry." My voice cracked. "I... I need air."

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at dire-diretsong naglakad papalayo kay Sky. My heart is racing mad and I can feel that I am now slowly losing my strength. I bit my lower lip as I head towards the beach house.

Saglit nga lang akong natigilan nang makasalubong ko ang isang babae. Her eyes widened when she saw me walking towards her direction. Para siyang naestatwa sa kinatatayuan habang nakatitig sa akin.

My brows furrowed. She's holding a cellphone on her right hand. When she saw me looking at it, her hold immediately tightened. Ipinagtaka ko iyon.

Makahawak naman ito, akala ba niya nanakawin ko 'yan? I scoffed. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya. Kumalabog ang puso ko sa biglang natanto.

She... looks so familiar.

Saan ko nga ba siya nakita? Do I know her? Or... I don't understand. Bakit ganito siya makatingin? Though I felt like I already saw her somewhere, I still can't ascertain my thoughts. It's blurry.

Bumuntong hininga ako at pinili na lamang magpatuloy sa paglalakad. Masyado na akong maraming iniisip at ayaw ko na iyong dagdagan pa dahil sa babaeng ito. Kung pamilyar man siya o hindi, o kung nakita ko na ba o sadyang nagkamali lang ako. Wala na akong pakialam.

Dumeretso kaagad ako sa kwarto ko at doon nahiga. Moments from what happened earlier gushed on my mind.

Hindi ko talaga mawari kung paano nalaman ni Sky ang tungkol sa hindi ko pagiging tao. Kailan pa niya alam? Matagal na ba?

Ibig sabihin, noong pinagtanggol niya ako kay Mrs. Carson, alam na niyang...

I closed my eyes tightly. How can that be? At... paano niya napaniwala ang sarili?

Sky is an intelligent man. And he's a lawyer! He looks at things rationally. Hindi siya naniniwala sa mga bagay na walang basehan. Kaya hindi ko talaga alam kung paano siya...

Idinilat ko ang mga mata ko nang may mapagtanto.

"Evidences," bulong ko sa sarili. "He won't find it out if there's no evidences."

Sinapo ko ang noo. I sighed heavily as I think of its possibility. Kung nakahanap ng ebidensya si Sky sa kung ano talaga ako... ibig sabihin hindi rin imposible para sa iba na magawa iyon, 'di ba?

Hindi malayong malaman din nila ang totoo.

Talaga naman, oo! Kailan ba ako titigilan ng problema? Kung kailan paalis na ako, saka naman mangyayari ang mga ito! Meh, I don't even know if this would be the last!

Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil sa frustration sa lahat ng nangyayari.

Aeshna... come back, please. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I don't know if I can still endure this. I need you more than anyone else.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon