"Dito ka ba muna maglalagi?" Sky asked.
We're eating our lunch here in the beach house. Siyempre, siya ang nagluto. Pabibo, e.
Tumigil ako sa pagkain at saglit siyang tinapunan ng tingin. "Yup," I answered.
Now that he mentioned it... Naalala ko tuloy na bumisita nga lang pala siya rito saglit para magpahinga. May trabaho siya kaya hindi siya puwedeng magtagal dito. Does that mean I won't be able to see him that much?
Hindi naman sa gusto ko siya lagi rito. Ni hindi nga kami araw araw na nagkikita noon. I just really feel... alone. Wala si Aeshna kaya mag-isa lang ako parati. Kung hindi nga lang dahil kay Sky, sobrang boring na siguro ng buhay ko. Naisip ko tuloy kung tamang desisyon ba na nagresign kaagad ako sa trabaho.
"Ikaw? Aalis ka ba agad?"
He nodded. Kinuha niya ang baso ko at nilagyan iyon ng tubig. "Oo. Mamaya. Kailangan na ako para sa kaso, e."
"Oh." Umayos ako ng upo. The topic caught my attention. "How's that going, by the way?"
I hope it's going well. Naniniwala naman ako kay Sky na kaya niyang ipanalo ang kaso dahil sa dedikasyon niya sa trabaho. I just really want to hear it straight from his mouth. Natutuwa kasi ako kapag siya ang nagkukwento.
He smirked when he noticed my excitement. "The situation is on our favor. Don't worry."
Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang sinagot niya ang tanong ko. I saw how happy and contented he is through his eyes.
Nakakaproud. Parang may humaplos sa puso ko habang nakatingin sa kaniya. He's just so passionate on what he's doing. Natutuwa ako. Feeling ko tuloy ako ang nagpaaral sa kaniya dahil sa nararamdaman!
"You really love your job, 'no?" I asked amazingly.
He tilted his head a bit. Yumuko ako at nagpatuloy sa pagkain habang naghihintay sa sagot niya.
"Minsan," he answered in a low baritone.
I stopped. Bahagya pa akong nag-isip kung tama lang ba ang pagkakarinig ko? I mean... I'm expecting a different answer. Inangat ko ang tingin sa kaniya. He just shrugged his shoulder as he continued eating.
Ngumuso ako. I really don't get him sometimes. "Elaborate, please."
"Hanep, ah. Exam?" natatawa niyang sinabi.
Sumimangot ako. "Hindi ko kasi maintindihan sagot mo," irap ko.
Tumigil siya sa pagkain at seryosong tumingin sa akin. I noticed how his eyes darkened a bit after a while. It's like he remembered something. Nanliit ang mga mata ko sa kaniya.
He sighed. "I love my job because I can fight for those people who can't fight for themselves. It gives me more courage to meddle in whenever I find someone stepping on other people's right... To represent what is right and just. To voice out what's needed to be heard... and to do what should be done," aniya.
That's... oh. Wow. I didn't...
Si Sky ba talaga 'to? Where's that annoying corny boy!?
Binaba ko ang kubyertos na hawak ko at ibinigay ang buong atensyon sa kaniya. Tingin ko ay halata sa mukha ko ang pagkamangha sa sinabi niya dahil kita ko ang multo ng ngiti sa labi ni Sky. Hindi ko tuloy alam kung natutuwa ba siya o natatawa.
Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Nakakahiya! I probably looked like a hopeless girl crushing on someone!
Boy... Parang gusto ko tuloy sabunutan ang sarili. Kaia, you fool. You're exaggerating!
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...