Chapter Thirty Two (Part I)

109 5 15
                                    

"Ayos na. Hintayin na lang natin silang magising."

I nodded. Nakaupo ako malapit sa pintuan habang tinatanaw sina Aeshna at Sky na nakahiga at parehas na walang malay. Ipinagsama na namin ang dalawa sa iisang kwarto upang sabay naming mamonitor ang lagay nila. Inilipat ni Asher ang kama ni Aeshna rito habang si Sky naman ay sa kama ko inihiga.

Asher is the man with Manipulating Control. That's why he is so familiar to me. Siya ang lalaking kaibigan at nakasama ni Aeshna noon na nanggaling din sa ibang mundo. Ashley, his sister, is a healer. Kaya hindi na namin kinailangan pang tumawag ng doktor. It's a good thing since it would be dangerous for us if we really did went to the hospital.

Dahil baka hindi pa sila gamutin ng mga tao at hayaan lamang na mamatay. That's a possibility considering their anger towards us.

I heard Ashley sighed as she went beside me. Umupo siya sa katabing upuan at kagaya ko ay tinanaw din ang dalawa. They both look good. Tila payapang natutulog at walang iniindang sakit sa katawan.

"They'll be okay," pang-aalu niya sa akin.

I smiled wearily. Sumulyap ako sa kaniya saglit. "I hope so..."

Ilang minuto kaming natahimik. Nakatitig lang ako sa dalawa. Walang aparatus o kahit anong nakakabit sa katawan nila. They just really look like they were sleeping peacefully.

Bitterness dripped within me as I looked at them. Bakit ba kailangang palaging sila? Mabubuti silang nilalang... Bakit sila ang kailangang magbayad sa mga kasalanang ako naman talaga ang may gawa? Bakit sila ang kailangang parusahan habang ako naman ay nandito... ni walang kahit isang galos sa katawan?

Isn't that just so unfair?

I will never understand. Why do they always suffer instead of me?

"Hindi mo kasalanan."

Suminghap ako at muling nilingon si Ashley sa tabi ko. She's just seriously watching the two and didn't even bother to look at me. Tila narinig niya ang lahat ng mga iniisip ko dahil sa sinabi.

"Your reaction right now looks like someone I knew," aniya. "Parehas na parehas kayo."

I swallowed hard. Hindi ako nakapagsalita.

"She always blame herself for the things she isn't at fault. She always want to take full responsibility even if she didn't do something wrong," sabi niya. "She often want to save others that she already forgot to save herself."

Bumuntong hininga ako. "Hindi ko lang talaga maiwasan. Totoo namang dahil sa akin kaya nangyari ito kina Aeshna at Sky, e."

"Naiintindihan ko." She then looked at me and smiled. "But please don't be too hard on yourself. It ain't always your fault."

Saglit pa kaming nagkatitigan. I felt like a warm hand touched my heart upon staring at her. Her face and smile is just so lovely and soothing. Baliktad na baliktad sa kapatid niyang parang pinaglihi yata sa sama ng loob dahil laging busangot!

I chuckled at that thought. Kahit ganoon, alam kong sinsero ang lalaking iyon. He wouldn't bother to go all the way here if he didn't really care. Ngayo'y nasa labas siya at binabantayan ang paligid kung sakali mang may mga tao na namang muling dumating. See that? He's lowkey protecting us.

"Ilang taon ka na ba? You think and speak so maturely. Daig mo pa yata ako," I said lightly.

She giggled. "I'm just seventeen."

"Talaga?" gulat kong wika. "Ang bata mo pa pala? How long have you been treating others?"

"Simula bata pa ako. Pero hindi ganoon kaepektibo kumpara ngayon na nag-aaral na ako sa University."

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon