"Let's help him!"
Para akong natauhan doon. Napakurap kurap ako at halos hindi na makahinga dahil sa mga nangyayari. "How can we help? I don't even know what to do!" Pati tuloy ako ay natataranta na!
"Humingi tayo ng tul-- OHMYGOD!" Her both hands flew on her mouth with her eyes wide open. Hindi siya gumagalaw na para bang naestatwa na sa kinatatayuan.
Umawang ang labi ko at muling sinulyapan ang lalaki. I blinked my eyes twice. Ano nang nangyari sa kaniya? I can't see him anymore! Goodness! Nababaliw na ba ang lalaking iyon!? Talaga yatang magpapakalunod siya!
Suminghap ako at naglakad papalapit sa dagat. I'll definitely save that man. Bukod sa hindi ako makakatulog kaiisip dahil namatay siyang pinapanood ko lang, I'll also curse him for tainting my ocean this way! Kung magpapakamatay siya, bakit sa karagatan pa!?
"Empi, saan ka pupunta!?"
"Shut up!" asik ko kay Aeshna. Hindi niya ba nakikitang pati ako ay sobrang natataranta na!?
Bahala na nga!
Tinaas ko ang kamay ko at itinapat sa bahagi ng dagat na kanina lamang ay kinaroroonan ng lalaki. I concentrated so I can do it accurately. Hindi ako pupwedeng pumalpak sa ganitong klaseng sitwasyon!
"Empress, alam mong hindi pupwedeng-"
I glared at her. "Bakit? May alam ka bang iba pang paraan?"
"Pero alam mong hindi maganda ang magiging epekto sa'yo kapag gumamit ka rito ng kapangyarihan!"
"I know! But do we have any other choice?"
"Empress--"
"Do we have any other choice, Aeshna!?"
Natahimik siya. I scoffed at her before glancing at the ocean again. Muli akong nagpatuloy sa ginagawa hanggang sa unti-unting mahati ang karagatan. It created a long pathway until it revealed the unconscious body of a man.
Huminga ako nang malalim. Pinihit ko ang kamay ko upang utusan ang dagat na anurin ang katawan niya papunta sa dalampasigan.
My body is getting weaker and weaker. I can feel it. Mariin kong iniling ang ulo nang unti unting magdilim ang paningin ko. I still have to finish this. Hindi ako pupwedeng pumalya.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa tuluyan nang maihatid ng mumunting alon ang walang malay na katawan ng lalaki sa harapan namin.
Pinasadahan ko iyon ng tingin. "Buhay pa ba 'yan?" I asked Aeshna weakly.
I can feel both of my knees trembling. Ibinaba ko ang kamay ko at sinubukang magpokus sa mga nararamdaman ko sa katawan.
"Siguro..." aniya. Sinulyapan niya ako at nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtakbo niya papalapit sa akin. "Empress, okay ka lang?" She asked worriedly.
I swallowed hard. Hindi ako makahinga nang maayos.
"Empress? Empress!"
Tuluyan nang nanlabo ang mga mata ko. All my strengths were gone. But before I could ever close my eyes, I saw an unclear image of a woman. Nasa malayo siya at gulat na pinagmamasdan kami. I tried hard to have my clear eyesight back to see her vividly but to no avail.
Until everything went black.
Puting kisame ang kaagad bumungad sa akin pagkagising ko. Nasaan na ba ako? Huminga ako nang malalim at sinubukang umupo. I glanced at the window only to see the sun rising up.
Umaga na pala.
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. I think I'm inside our beach house. I bit my lower lip as I tried to get off the bed.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...