I drive all the way to Sky's house. Ilang beses pa lang akong nakapunta rito. However, Sky made sure that I'd know how to get here. He said that I should memorized it all because it is soon to be my home. My heart fluttered as I remembered that.
Hininto ko ang sasakyan sa mismong harapan ng bahay. I exhaled deeply as I felt the familiar uneasiness inside me because of being so overwhelmingly nervous. Memories gushed on my mind while looking at his house. Kapag mag-aaya si Sky na lumabas at sasabihin kong dito na lang kami, kaagad siyang umaayaw.
"Tayo lang dalawa? Ha! 'Wag na, uy! Baka kung anong gawin mo sa akin," utas niya na may kasama pang pagyakap sa katawan.
I rolled my eyes. "Ano ka? Ikaw kaya itong unang nang--"
He covered my mouth to stop me from saying more. Pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya natawa ako.
"Ikaw, ah. Manahimik ka," banta niya sa akin, namumula na ang tainga.
Everytime we talk about that, he's always uneasy. Namumula kaagad kaya mas lalo kong inaasar. Ewan ko ba sa lalaking iyon, akala mo naman bata at napakainosente.
I can't help but to laugh at that memory. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad papalapit sa bahay niya. Minsan lang ako mapadpad dito ngunit nag-uumapaw ang mga ala-ala sa utak ko sa simpleng pagtingin lamang sa estrukturang ito. My face heated as I remembered those.
Pinilig ko ang ulo, nahihiya na sa mga naiisip. Ano ka ba, Kaia? Ang landi!
Iwinaksi ko na lamang ang mga iyon sa isipan at nagpatuloy na sa gagawin. Good thing Sky gave me a duplicate of his house's key. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at tuluyang pumasok sa may kalakihang bahay niya.
I roamed my eyes around the area as soon as I've gotten inside. Tahimik at... malungkot. Huminga ako nang malalim at naglakad lakad, umaasa na narito siya.
"Sino ka? Bakit ka nandito?"
I almost jumped at that. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat bago humarap sa pinanggalingan ng boses.
"Uh..." I panicked when I saw an unfamiliar old lady glaring at me. Grabe naman makatingin ito! "Hindi po ako magnanakaw."
She raised a brow. "Bakit ka nandito, kung ganoon?"
"Hinahanap ko po si Sky," I explained.
Goodness, I sounded so nervous! Who is she again? Kung hindi lang ako ganito ka kabado, malamang ay ako ang naunang nagtanong kung sino siya at kung anong ginagawa niya rito.
"Sinong Sky?"
My brows shot up. "Si... Zacharius ho?"
Hindi nga pala siya ganoong kakilala sa pangalan na iyon. I almost forgot that people often call him Zach or Zacharius.
"Ah!" bulalas niya. "Oo nga pala at may Sky sa pangalan no'n. Wala siya rito, e. Sino ka ba?"
Suminghap ako, nauubusan na ng pasensya. Bakit ba ang dami daming tanong!?
"I'm his..." girlfriend. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin, bahagyang nailang sa naisip. "I'm Kaia," pagpapakilala ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Ilang sandali pa siyang tumitig sa akin bago tuluyang umaliwalas ang mukha. Uh... okay? What's happening?
Mabilis siyang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at hinawakan ako sa mga kamay. My lips parted because of her sudden move.
"Ikaw si Kaia!? Ay, Empress nga pala ang itatawag sa'yo sabi ni Zacharius. Pero..." she smiled widely at me. "Ikaw 'yon!?"
Obviously.
"Uh... opo?" alanganin kong sambit.
"Lagi ka niyang kinukwento sa akin! Ikaw 'yong girlfriend niya, hindi ba? Talaga palang napakaganda mong bata!"
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...