Chapter Twenty Nine

97 7 4
                                    

Tw: self harm

My whole body is aching. Iyon ang unang naramdaman ko nang idilat ko ang mga mata. I groaned and tried hard to sit. Ang sakit sakit ng katawan ko, partikular sa balikat ko. Maybe because of the gunshot wound I got.

I swear, I would punch that boy straight to his face when I see him. Ni hindi ko magalaw nang maayos ang kamay at braso ko dahil sa sakit ng ginawa niya!

Napakurapkurap ako nang maalala ko ang lahat ng mga nangyari. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Nasa loob ako ng isang kwarto, nakaupo sa isang malaki at malambot na kama.

Where am I? And...

Oh my goodness! Si Aeshna!

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko. Masakit man ang katawan ay pinilit ko ang sariling gumalaw upang makaalis sa kama. Kaya lang, hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay bumukas na ang pintuan, hudyat na may pumasok.

Sinulyapan ko kung sino iyon. Mabilis na nagtama ang paningin naming dalawa. My lips parted when I realized who it was. A smile automatically plastered on my face as I rushed towards his direction. Hindi ko na inalintana ang kirot sa katawan ko. Maybe because of the excitement and joy that I was able to forget the pain for a while.

"Sky!" sabay pulupot ng kamay ko sa kaniyang batok upang mayakap siya.

He chuckled at my reaction. Binalewala ko iyon. I was too happy seeing him all right! Walang sugat o kahit galos man lang! Buti na lang... Pumikit ako at mas lalo lang siyang niyakap.

His warm hand snaked around my waist. Halos umangat na ako dahil sa paraan ng pagyakap niya sa akin.

"How are you feeling?" he whispered in a very soft voice.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakapikit at mas lalo pang isinubsob ang mukha sa pagitan ng kaniyang leeg at kaliwang balikat. My body still feel sore because of everything that has happened but I chose not to pay attention to that.

Paulit ulit akong nagpasalamat sa utak ko dahil ligtas siya, dahil walang nangyaring masama sa kaniya. I was too afraid for his safety when we part ways and seeing him now in one piece makes me feel like I'm finally rescued. Napanatag ang loob ko nang makita siyang ligtas. Hindi ko na yata kakayanin kung pati siya ay saktan ng mga taong iyon! That would be too much torture for me!

Ilang segundo pa kaming binalot ng katahimikan bago niya hinagilap ang mga hita ko. Hindi ako gumalaw kahit pa noong tuluyan niya akong buhatin at iupo sa kama. Kumalas lamang ako sa yakap nang mapagtantong baka mahirapan siya kakayuko dahil sa naging ayos naming dalawa.

"Are you alright?"

I bit my lower lip. Tumango ako habang titig na titig sa kaniya. Hindi naman siguro ako nananaginip, hindi ba? He really is in front of me, right? This feels so true to just be an apparition! Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang pisngi niya. I really am not dreaming. It's true! He's here!

Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya. His expression is so soft while looking at me. I immediately noticed dark circles under his eyes. Kumunot ang noo ko dahil doon.

"Hindi ka ba natutulog?" I asked with a hint of accusation and anger in my voice.

The side of his lips rose. Niluhod niya ang isang tuhod upang kahit papaano ay magpantay ang paningin namin. Nilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko para sa suporta.

"I was too busy attending to you and to Aeshna," aniya. "You were both severely injured."

My eyes widened a bit when I remembered my dear friend. Mabilis na kumalabog ang puso ko dahil sa labis na pag-aalala. Binaba ko ang kamay mula sa pisngi niya.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon