Nagkulong ako sa kwarto ko. Even Aeshna couldn't enter my room. Everything keeps on flashing back on my mind. Hindi ko gusto. Nandidiri ako sa sarili ko.
Pumasok ako sa banyo at naligo, umaasa na kasabay niyon ay mawawala rin ang marka ng mga kamay nila sa akin.
Pero hindi.
I almost got raped. Can you believe that? May mas ikasasama pa pala sa mga nararamdaman ko noon.
Being raped is the worst thing that can happen to a woman. And I can't understand... maayos naman ako. Maayos naman ang suot ko... Pero bakit...
And that was when I realized that it's not about how I dressed. I can wear long sleeves, maong pants, rubber shoes, and can still be raped.
It is all about the culprit. Because no matter how the victims will adjust... if they want to commit that disgusting crime... they will.
At hindi ko inaakalang pati ako ay mabibiktima.
Mapait akong ngumiti. Nakaligtas ako dahil sa sarili ko. I saved myself. Because no one... would ever do that for me.
I cried all night. Magaalas diyes ng makarinig ako ng mahinang pagkatok sa pintuan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Gusto kong mapag-isa. Just... for now. Gusto kong huwag munang makasalamuha ng iba.
Everything here is just so exhausting.
"Empress, hindi ka pa kumakain simula kanina..." I heard Aeshna's voice.
Mas lalo kong sinubsob ang sarili ko sa unan. I closed my eyes tightly, hoping to sleep. I wanted so bad to sleep, because that would be the only way for me to escape this.
"Empress... magkakasakit ka sa ginagawa mo, e."
Kinagat ko ang labi ko at hindi iyon pinansin. After a while, the knocking stopped. I sighed heavily. Umupo ako sa kama at pinasadahan ng tingin ang pintuan.
Ayoko na rito. Gusto ko nang umalis. This place is suffocating me.
Araw araw na lang. Araw araw na lang akong lumalaban para mabuhay. I've been here for a long time... but never did I imagine that I was capable of experiencing those.
And I keep on asking myself... anong mali sa akin? Bakit ako? Bakit ako palagi? Bakit ako na naman?
Why do I have to go through this? Why do I need to suffer over and over again?
Nilagay ko ang parehong braso sa ibabaw ng tuhod ko. Suminghap ako bago ko tuluyang ipinatong ang noo roon.
Silly, Kaia. What did I tell you? You're here because you were cursed. Una pa lang, alam mo na ito. Kaya... bakit ka pa umasa?
Umiling ako at muling humiga. I keep on saying to myself that there is nothing to be hopeful about. Una pa lang, iyon na ang sinasabi ko sa sarili ko.
Pero hindi ko alam kung bakit paulit ulit pa rin akong bumabalik. Paulit ulit pa rin akong umaasa sa kasiyahan na simula't sapul ay pinapangarap ko na.
Kahit na alam kong napakaimposible.
Nakatulugan ko ang pag-iyak. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, pero sigurado akong hindi katagalan iyon. Dinalhan ako ng pagkain ni Aeshna kinaumagahan. She was unusually quiet. Tumayo ako at tahimik na dumeretso sa banyo para maligo.
I showered and dressed up quickly. Palabas na sana ako kung hindi ko lang nadaanan ang malaking salamin na nasa loob. Dahan dahan akong naglakad papunta roon. Mapait akong ngumiti nang makita ko ang namamaga kong mga mata.
"Another day." Bumuntong hininga ako. "Kailan ba matatapos 'to?"
I touched my reflection at the mirror. Mali, e. Hindi dapat ganito, Kaia. You are a goddess. Though wrecked and cursed, you will always be a goddess. Hindi ka pangkaraniwan. Kaya bakit mo hinahayaan ang ibang iparamdam sa iyo ito?
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...