Chapter Nineteen

83 7 1
                                    

I felt so weak... and so dumb.

Napakahipokrita ko. Ang lakas lakas ng loob kong sabihin iyon kay Sky kahit na alam kong ganoon din naman ako. Mas malala pa nga.

It hurts. It feels like I was slapped hard by the truth.

Hiyang hiya ako sa sarili. I wanted to punch myself so much because of what I've done. You stupid... You have the guts to say those words to him, you dare to hurt him through it... Pero isa ka rin naman!

Isa ka ring hindi makaahon sa nakaraan! Isa ka ring nananatiling nakatali sa sakit na dinulot nito! Kaya sino ka para magsabi ng ganoon? Kaia, you fool...

I gasped for more air. Pinunasan ko ang luha sa pisngi at pilit na kinalma ang nagwawala kong sistema. I bit my lower lip.

"Empi, nasa labas si Zacharius. Gusto ka raw makausap. Papapasukin ko ba?" si Aeshna na kumakatok sa kwarto ko.

I sighed heavily. Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Aeshna almost jumped when she saw me.

"Pauwiin mo muna, please... Bukas na lang kamo kami mag-usap," mahinahon kong sabi.

She pouted. "Sinabi ko na rin 'yan, Empi! Kaso pinaglihi yata sa bato 'yong boyfriend mo? Ang tigas ng ulo. Hihintayin ka raw!"

"Uuwi rin 'yon mamaya." I glanced at the wall clock. Mag-aalas otso na ng gabi. "He'll probably go home later. Maggagabi na rin naman."

"Duda..." Aeshna murmured. "Pustahan tayo bente, 'di 'yan aalis diyan hanggang 'di mo kinakausap."

I frowned at her. Ngumisi siya sa akin at tinuro ang pintuan. Bumuntong hininga ako. Ayaw ko pa sanang makipag-usap kay Sky dahil nahihiya at nasasaktan pa ako para sa sarili. Pero kilala ko ang lalaking iyon. Tama si Aeshna, hindi 'yon aalis. Tigas ng ulo.

Pinilig ko ang ulo at nagpasyang harapin na lamang siya. I gathered all the courage that I've got as I opened the door.

Naabutan ko siyang nakasandal sa may gilid ng pintuan. Nang mamataan ako ay kaagad siyang umayos ng tayo. He looked at me intently. I saw a passing fear on his eyes the moment I laid my eyes on him. Naroon pa ang mga pasa at ilang sugat niya sa mukha, ngunit hindi tulad kanina ay medyo malinis na ang mga ito. Mabuti naman.

Tumikhim ako at inayos ang sarili. Tuluyan akong lumabas at hinarap siya. Nakaligo na ako at nakapagpalit na ng damit ngunit siya'y nananatiling ganoon ang suot sa kanina. I pursed my lips.

"Kaia... Can we--"

I cut his statement off. "Umuwi ka na muna," I said calmly.

He clenched his jaw. Nag-iwas siya ng tingin. "I'm sorry... Sa sinabi ko," he said huskily.

Tumango ako at ngumiti. Hindi naman na niya kailangang humingi ng tawad. I fully understand how he reacted. I just really don't want us to talk right now. Masyadong naging mabigat ang nangyari kanina.

Some wounds became open again. We both know that. We evoked each other's scars. Kung mag-uusap kami ngayon ay hindi rin kami magkakaintindihan nang maayos. Ayaw kong ipilit.

"Bukas tayo mag-uusap. Magpahinga ka na muna sa inyo."

Naninimbang ang tingin niya sa akin. Maya-maya pa ay bumuntong hininga siya at unti-unting tumango.

"Masakit pa ba ang sugat mo?"

He shook his head. "I'll treat it later."

Tumango ako at pinigilan ang sariling magpresinta na gamutin iyon. Nagkatitigan kami. Nauna akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. His stare is just too much. Para akong napapaso sa tuwing tititig siya. I often got lost in his eyes.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon