Chapter Twenty Six

97 7 3
                                    

Bumalikwas ako ng bangon at tinignan si Sky na nakahiga pa rin sa gilid ko. He's still sleeping and he looks so incredibly cute with his messy hair. Nakapatong ang kamay niya sa tiyan ko ngunit bumaba iyon sa hita ko dahil sa ginawa kong pag-upo.

Ngumuso ako. I'm wearing Sky's shirt while he's completely naked. Half of his body is revealed while the other half is under the comforter. Mag-iisang linggo na siyang nandito sa beach house. Nagpakuha lang siya ng mga damit sa sekretarya niya para ilagay dito.

Ewan ko ba sa baliw na ito, balak yatang dito tumira. I chuckled at that thought while looking at him.

Marahan kong tinapik ang balikat niya. "Hey, wake up," I said softly.

He groaned. Muling tumaas ang kamay niya sa tiyan ko at hinigpitan ang yakap doon kaya muli akong napabalik sa paghiga. I sighed. Lagi na lang talagang ito ang problema ko tuwing umaga. Ang hirap hirap niyang gisingin!

Siniksik niya ang mukha sa leeg ko. I rolled my eyes at that. Bahagya pa akong nakiliti dahil sa pagtama ng hininga niya sa balat ko.

"It's still early..." namamaos ang malalim niyang boses.

"Anong early? It's already ten in the morning, Sky. We skipped breakfast!"

"Hmmm?"

Sumimangot ako.

"Sky, bangon na kasi..."

Tinapik tapik ko ang pisngi niya ngunit mas lalo niya lang tinago ang mukha sa leeg ko upang makaiwas. Ang kulit kulit! Muli akong napabuntong hininga.

"Five minutes..." he muttered.

Tinaas ko ang kanang braso at nilagay sa may ulo niya bago ako tuluyang tumagilid ng higa upang harapin siya. I stared at him for a while. Pikit na pikit pa rin ang mga mata niya at bahagya pang nakakunot ang noo.

Kanina pa yata gising ang isang ito, e. Nagkukunwari lang na tulog!

"Sky!" tumaas ang boses ko. "Bangon na!"

He groaned. "Damn, aren't you tired? It's early in the morning and you already have so much energy," he said huskily. "Inaantok pa ako, mahal."

I rolled my eyes. "Why would I be tired? Let's go!"

He chuckled. Mabilis na gumapang ang kamay niya papunta sa likod ko at marahan akong hinila papalapit sa kaniya. He buried his face on my chest.

Muli akong umirap.

"Of course you wouldn't," he whispered. "The hardwork was all on me last night."

Nanlaki ang mga mata ko. He said that a bit sensually that it made me feel so embarrassed! Tunog may ibang gustong ipunto ang "hardwork" niya!

"What the hell, Sky!?" singhal ko sabay tulak sa kaniya.

Bumunghalit siya ng tawa. Muli akong bumangon at hinampas siya ng unan. He crossed his hands in front of his face to protect himself, still laughing.

Minsan talaga, ang sarap sarap niyang hambalusin! Nakakainis!

"Hoy," utas niya. "Natututo ka nang magmura, ha. Bad 'yan. Paluin ko bibig mo," natatawa niyang sambit.

I glared at him. He smiled devilishly while looking at me.

"Look who's talking? Bumangon ka na nga!" iritado kong sabi.

Tuluyan na akong tumayo at dumeretso na sa banyo upang maligo. Nakabihis na ako nang lumabas ako at talagang ang lalaking ito, hindi pa talaga bumabangon! Hihilahin ko na ang paa nito, e!

His eyes are still closed. Hanggang tiyan niya ang kumot habang isang unan naman ang nakapatong sa dibdib niya. Umismid ako at lumapit para hampasin ang binti niya.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon