Chapter Twenty Seven

100 7 20
                                    

When I first got here, I settled it in myself that I will never use my power. I will do my best to fit in to this world so I can leave in peace. It was never included in my plan to be exposed. Siguro ay dahil kahit sinumpa man ako at tinanggalan ng lagpas kalahati ng kapangyarihan, nananatili pa rin ang paggalang at pagrespeto ko sa mga patakaran namin.

Na kahit kailan, bawal malaman ng mga tao, o ng kahit na sinong nilalang, ang tungkol sa aming lahat. No matter what happen, our existence should always remain as a secret to everyone.

Mas lalo akong naging determinado na itago ang tungkol sa kung ano talaga ako noong malaman ko ang nangyari sa Ina ni Aeshna. They were judged, castigated, and even treated as a monster... just because they are different. Na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng isa sa pinakamahalagang nilalang sa buhay ni Aeshna. Her mother.

However, so many things happened. I needed to save myself through my powers when those three men tried to rape me and... I tried to push Sky away from me through telling him how different we are from each other. Natakot man ako na mabunyag ang tungkol sa akin sa lahat, mabilis namang nasolusyunan ang mga ito kaya wala na akong inalala pa.

Pero ngayon, ang mapagtantong may isang taong nakakaalam pala ng tungkol sa akin nang hindi ko man lang napapansin o natutuklasan ay sobrang nagbigay ng takot sa akin. Maraming buwan na ang nakalilipas simula noong makita niya kami habang nililigtas si Sky. Napakakalma ako ng katotohanang wala pang kumakalat na tungkol doon ngunit mabilis ding napapalitan ng takot sa tuwing maiisip ko na... paano kung mayroon na pala ngunit hindi ko lang alam?

"Mayroon na akong inutusan upang hanapin siya. This won't take long, I promise," ani Sky bago tuluyang umupo sa tabi ko.

Isang oras na ang lumipas. Nakapag-ayos na kaming dalawa at sabay na pumunta rito sa sala upang mag-usap patungkol sa sinabi ni Aeshna. We are all worried about that because we know for sure that it is dangerous... given the history.

Nanunuyo ang lalamunan ko. I can't even speak because of my hammering heart. Nanatili akong nakaupo sa sofa habang si Aeshna naman ay kanina pa pabalik balik ng lakad.

"Tutulong ako sa paghahanap."

My eyes widened a fraction when I heard Aeshna's statement. "Hindi ba delikado para sa iyo? Bukod sa akin ay maaaring nakita ka rin niya!"

She stopped walking and faced me.

"Pero hindi naman pupwedeng wala akong gawin--"

"Kung nakita niya talaga si Kaia na gumamit ng kapangyarihan noong gabing iyon... then why didn't she make a fuss about it?" putol ni Sky sa sasabihin ni Aeshna. "Ilang buwan na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang ginagawa."

Nilingon ko siya sa tabi ko. He placed his hand below his chin, obviously thinking about something. His side profile looks so gorgeous. Lalo na ngayon na seryoso siya at bahagyang magulo pa ang halos dalawang pulgadang buhok. I can't help but to admire him more.

Pinilig ko ang ulo. Saglit din akong napaisip dahil sa sinabi niya.

"Baka hindi naman talaga niya nakita?" Aeshna asked with a hopeful voice.

Umiling agad ako. "I'm sure that she saw it. Nakita ko ang gulat niyang mukha bago ako mahimatay noong gabing iyon. Sigurado ako..."

"Then why is she staying silent?"

"Siguro ay wala naman talaga siyang pakialam?" patanong kong sagot kay Sky.

He glanced at me using his serious eyes.

"Or maybe because she's forbidden to speak about that. Or maybe because... no one believes her."

"Tama," ani Aeshna bago umupo sa couch na sa harapan namin. "We are already in the 21st century... who would believe in stuffs like that?"

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon