Chapter Thirteen

121 11 4
                                    

Wala naman talaga akong ibang maalala noong kabataan ko kung hindi ang mga gabing nakakulong ako sa kuwarto, nakahiga sa kama at tahimik na umiiyak. I don't know if I really practiced that when I was young because I know for a fact that my mother hates it when I cry too loud or I was just too used to it...

Crying alone... in the middle of the night. Humihinga na parang normal lang at humihikbi nang walang kasamang malakas na tunog. Sa sobrang dalas kong gawin dahil sa takot na baka muli akong pagalitan dahil sa ingay, tuluyan na akong nasanay.

It was the moon festival, I reminisced. Mag-isa ako sa bahay dahil lahat sila ay nasa selebrasyon. It wasn't like I don't want to go, though. Hindi lang talaga ako pinapayagan na pumunta sa kahit na anong pagtitipon.

It was like they are hiding me here in this house because they are too... ashamed of me. Of my existence.

I stood up and walked towards the window. The moon is shining so bright. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot dahil siguradong masaya ang kapatid ko sa nagaganap na selebrasyon pero wala ako roon para suportahan siya.

Gusto ko rin sanang makita ang tagumpay niyang iyon ngunit lagi akong pinagbabawalang makisalamuha sa iba.

"I wonder what's happening... I hope I was there too," I whispered to myself.

My chest hurt while I continue to stare at the moon. Ako kaya? Kailan ko kaya mararanasan ang mga iyon?

I can't envy my sister. In fact, I am so proud of her success. Kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng inggit sa kaniya dahil kapatid ko siya at hindi tamang maramdaman ko iyon.

Ngunit sa haba ng panahon na nararanasan ko ang ganito... natuto akong makaramdam ng mga mali. Natuto akong tumingin sa mga tao nang may kasamang inggit. At natuto akong titigan ang sarili ko sa salamin nang punong puno ng awa.

Why can't I have those too?

Bakit kahit anong gawin ko... wala silang napapansin? Why can't I be appreciated like my sister too?

Why am I always in here? Tinatago na para bang... kahiya-hiyang nilalang.

Binuka ko ang bibig ko para magsalita ngunit natigil iyon dahil sa sakit na naramdaman ko sa may tagiliran. Ngumiwi ako at tinignan ang markang nasa tabi ng pusod ko.

It is the mark of the ocean. Isang kulay asul at puting marka na sumisimbolo sa alon ng karagatan.

Kumunot ang noo ko at mabilis na tinakpan iyon na tila ba may magagawa 'yon upang mawala ang sakit. Huminga ako nang malalim.

What is happening? Why is it hurting like this?

My eyes widened when I realized something. Mabilis akong naglakad papunta sa salamin na nasa dulong bahagi ng kwarto ko.

I saw my reflection on the mirror. Ngunit hindi iyon ang sadya ko.

"Show me what happened," I commanded.

Then my reflection slowly vanished. Kaagad ipinakita sa salamin ang nangyayari sa mundo ng mga tao. My lips parted when I saw everything.

May tatlong taong nagtapon ng mga basura sa karagatan! At sobrang dami niyon!

"This can't be..." Suminghap ako.

Maraming maaaring madamay sa kalapastanganang ito! The creatures living in the ocean... they might die!

Mas lalong nadagdagan ang sakit sa marka ko. How can they be so irresponsible?! Hindi ko naman sila pinababayaan! I am guarding the ocean very well for them!

Pero ito ang igaganti nila sa akin?

I can't just stand here? I need to do something! "Dalhin mo ako sa lugar na iyon," I commanded.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon