Special Chapter: Trees (2/2)

125 8 2
                                    

She's one of a kind. Kung mayroon man akong unang napansin sa kaniya ay ito 'yon. While some people want a company, or at least friends... she doesn't seem like she needs it. She always want to do things by herself. She always... enjoy the beauty of silence and while other people find it boring, she finds it as her peace.

I twisted my lips to suppress a smile. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa tuwing umiirap siya, o sinisinghalan niya ako. I must be crazy! Who would want that, right? Man... you've got this all so bad!

Maybe because I am used to her being serious? Na tila walang pakialam sa iba at may sariling mundo. I am used in seeing her poker faced. That's why I'm always amused whenever I see her rolling her eyes and irritated. Natutuwa ako dahil may ipinapakita siya sa aking ibang emosyon.

Galit nga lang.

I chuckled at that. Tangina, ano ba itong mga pinag-iiisip ko. Talagang nababaliw na yata ako!

"Hey, have you seen Empress? Hindi ko pa siya nakikita mula kanina," I asked Hazel.

It's the second day of the seminar. Matagal bago ako nakatulog kagabi dahil sa naging usapan namin pero aaminin kong naging payapa iyon. Sleeping with a peaceful heart is like an impossible thing for me but last night is an exception.

Funny how I felt that after that conversation with her. I protruded my lips to stifle a smile.

"Ah, nasa kwarto. Natutulog," she said it like nothing.

My eyes turned into slits. Saglit ko pang sinipat si Hazel bago ibaba sa relo ang tingin.

"It's already six in the evening. Hindi pa ba siya kumakain?"

Kumunot ang noo niya. "Ewan ko? Kanina pa siya tulog, e. Baka napagod. I already ate with Leila, though. Thanks for asking," sarkastikong sambit niya.

I smirked. "I should go, then. Thank you."

Dumeretso kaagad ako sa opisina. I was in the middle of doing all these paper works when I remembered something. Sinulyapan kong muli ang relo at nakitang pasado alas siyete na.

"Kumain na kaya 'yon?" bulong ko.

Baka mamaya tulog pa? Bumuntong hininga ako at dinampot ang telepono upang tumawag sa reception upang padalhan siya ng pagkain sa kwarto nila. I ordered them to bring it to her after two hours, though. Baka kasi tulog pa siya at ayaw kong abalahin ang pagpapahinga niyang iyon.

I busied myself from all the piles of paper works. Naging abala ako sa pagbabasa ng lahat ng mga kailangang aprubahan kaya hindi ko na namalayan pa ang oras. Good thing the front desk called to inform me about the dinner that I asked for Empress.

Ngumisi ako nang may magandang ideyang naisip. I glanced at all the papers on my table. Kaya naman na ito bukas at hindi naman ganoong urgent. I can just do this tomorrow.

"Nevermind, I'll just go to the kitchen. Ako na ang maghahatid doon," sambit ko sa isang staff.

"Uh... okay po, Attorney."

Iyon nga ang ginawa ko. Holding the tray of foods, I strode towards the corridor. Natatanaw ko na ang kwarto nila nang biglang lumabas si Leila mula doon. I pursed my lips when I saw deep concern on her face. Bumagal ang lakad ko at bahagyang kumunot ang noo ko.

What the hell is happening?

"Zach!"

Umaliwalas ang mukha niya nang makita ako ngunit bakas pa rin doon ang pagkataranta. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan ko. I stopped walking and waited for her.

"Bakit?" lito kong tanong sa kaniya.

"Nawawala si Empress!"

My brows furrowed. "What?"

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon