Chapter Eleven

112 9 2
                                    

"Buti na lang pala umuwi na tayo kaagad no'n, Empi! Alam mo bang nagkagulo raw pala sa fiesta pagkatapos nating umalis?!"

Tinapos ko muna ang paghuhugas ng pinggan bago tuluyang humarap kay Aeshna.

"Nagkagulo? Bakit? Ano raw nangyari?"

"Grabe, nagkasunog daw bigla! Tapos... 'yong mga tao, para raw naging robot na... ewan ko! Hindi ko ma-explain, Empi!" Hinaplos niya ang braso niya at bahagya pang nanginig. "Kinikilabutan ako! May babae pa raw na muntikan nang masunog, buti na lang naligtas noong kandidata! Ano nga bang pangalan no'n?"

My heart skipped. I immediately went to Aeshna to gather some information. Hindi ko alam kung saan 'to nanggagaling ngunit kinakabahan ako. I don't know...

Nandoon pa siya noon, hindi ba? Noong umalis kami, nakita ko pa siyang nandoon! Hindi pa siya umaalis! Kung ganoon, noong nagkagulo...

Mariin akong umiling. Do not entertain negative thoughts, Kaia.

"'Yong Fuentes! Tama... Saffira Fuentes, Empi! Grabe talaga! Nagkaeksena pa raw, may nagsigawan tapos biglang naging parang robot na 'yong mga tao, sabi no'ng nakakita. Tapos tapos..."

"Tapos ano?" I aggressively asked.

May mga napahamak ba? Nasugatan? O... namatay?

Parang may kung anong dumagan sa puso ko sa naisip kong iyon. Hindi naman siguro, 'di ba? He's not dumb!

May sunog at... siguro naman ay niligtas niya ang sarili niya!

"Wala na raw maalala 'yong mga tao, pagkatapos no'n, e." She sat on the sofa and sighed soundly. "'Yon ang usap-usapan dahil iyon ang sabi no'ng witness. Tumakbo na rin daw siya no'ng makita niyang nagkaganoon 'yong mga tao kaya..." Umiling siya.

Bumagsak ang balikat ko. I tried asking her about the casualties but she also has no idea about it. Masyado raw magulo. At malaking palaisipan kung bakit hindi na maalala o malaman ng mga taong naroon ang totoong nangyari.

Wala na akong ibang nakuhang impormasyon pa. I was bothered the whole day. Iniisip ko kung naroon ba siya noong mga panahong iyon.

At kapag naiisip ko iyon, mas lalo lang nadadagdagan ang mga tanong ko.

Did he save himself? Is he injured? Traumatized?

Is he okay?

I bit my lower lip. Pumasok ako sa kwarto at tinapunan ng tingin ang mga papel na inuwi ko rito bago pa ako pumunta ng seminar. Oo nga pala...

Siguro naman, kung may nangyaring masama, mababalitaan naman ng mga katrabaho ko, hindi ba? At tiyak na makararating iyon sa akin

And that gave me another headache.

Pumikit ako nang mariin at binagsak ang sarili sa kama. May problema pa pala akong haharapin pag pumasok ako!

Dumilat ako at inisa isa ang mga tanong na maaring ibato sa akin. Lunes na bukas at kailangan ko nang pumasok. I should be prepared!

"Bakit ka umalis? Bakit hindi ka nagpaalam? Anong nangyari? Nakita ka raw ni Sky sa isang fiesta? Anong ginagawa mo roon?" Huminto ako saglit at bahagyang napaisip. "That's my end there!"

I sighed heavily when I realized that I don't even know how to answer every question. Paano na ako nito? Mawawalan pa yata ako ng trabaho!

Should I tell the truth? I must, right?

Pero paano kung nagtanong sila tungkol sa tatlong lalaking iyon? Sky said that they are still alive, right? And that they are shouting about...

Nalaglag ang panga ko nang unti unting tanggapin ng isipan ko ang lahat ng sinabi ni Sky sa akin.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon