It's a lazy Monday morning. Makulimlim at ilang araw na ring umuulan. Hindi ko alam kung may bagyo ba o talagang rainy season na. I don't know, I'm not into watching news these past few days.
Nagwawalis ako sa harapan ng bahay dahil sa daming dahon na nagkalat. I licked my lower lip when I realized how difficult it is. Ang dami at ang iba pa ay nakadikit na talaga sa lupa!
Umayos ako ng tayo at pinasadahan ng tingin ang paligid. Ang parteng nawalisan ko na kanina ay mayroon na namang mga dahong kahuhulog lang dahil sa lakas ng hangin.
"This is impossible..." irita kong bulong sa sarili.
I shook my head. Kinuha ko ang walis at nagpatuloy na lamang. Bahala na kung magkaroon ng panibago, ang mahalaga ay nabawasan. Ang sakit sakit sa mata kapag ganitong makalat!
Nang mapansin na nasa bandang gate na ako nagwawalis ay saglit akong natigilan. My chest boomed when I remembered something. Bumuntong hininga ako at bahagyang yumuko. Mabilis na kumalat ang pait sa katawan ko nang maalala iyon.
I wonder... How is he doing? Simula noong paalisin ko siya rito ay hindi na kami muli pang nagkita. Hindi na siya muling bumisita rito o tumawag man lang.
I chuckled sarcastically at myself. Siyempre, Kaia. Pinaalis mo, e. What do you expect? That he'll still run after you? Na mananatili siya sa kabila ng lahat ng sinasabi mo?
That's impossible. Kahit sino naman yata... mapapagod sa akin. And I don't blame them for that. Naiintindihan ko dahil alam ko namang mahirap talaga akong mahalin at intindihin.
Pinilig ko ang ulo. Ano ba 'yan, Kaia? You're thinking too much again!
Bumuntong hininga ako at tinapos na lamang ang ginagawa. Nang pumasok ako sa bahay ay kaagad kong namataan ang kaibigan na nasa sala, nagpupunas ng mga litrato naming dalawa. I smiled inwardly at that.
"That's... I think, twenty two years ago, right?"
Lumingon sa gawi ko si Aeshna at ngumiti. "Oo, naalala ko ito. 'Yong dumalo tayo sa opening ng isang restaurant? Ang sarap ng pagkain dito!"
Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya. I stared at those pictures. Ang haba pala talaga ng panahong iginugol ko rito. Five hundred years... yet, it still feels like it was just yesterday since I ate that cursed fruit.
"Huwag mo itong itatapon kahit kung umalis na ako," may himig ng banta sa boses ko.
"Ay? Ayaw mong dalhin?"
I shrugged my shoulders. "The curse won't let me have any souvenirs from this world."
Ngumuso siya at ibinaba ang basahan. Humarap siya sa akin kaya tinignan ko rin siya. I was almost uncomfortable because of the type of stare that she's giving to me. She pursed her lips.
"Ayaw mo bang sumama na lang sa akin?" I asked her.
Umiling siya. "Hindi ko alam, Empi. Kahit na iyon naman talaga ang totoong mundo ko, pakiramdam ko parang magiging estranghero pa rin ang lugar na iyon sa akin."
I blinked twice. Humalukipkip ako at bahagyang bumuntong hininga.
"I'm actually feeling the same way. It should be my home but... why do I feel like I'm going back to a prison cell again?"
"It will always depend on how you see it, Empi. Even a prison cell could be wonderful only if you'll consider looking at it twice," aniya. "Malay mo, may nakatago palang paraiso sa loob. Hindi mo lang kaagad napansin dahil sa ibang direksyon ka nakatingin."
Ngumiti ako. Aeshna and her lectures. I'll surely miss it once I leave.
"Ayaw mo ba talagang sumama? Mag-iisa ka rito."
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...