"This is unfair, Miss Marcelline!"
I pursed my lips as I try to calm myself down. Tinignan ko ang halos mangiyak-ngiyak na babaeng nasa harapan ko. I viciously eyed her as she continued lamenting in front of me.
"Iyong ibang mga bata, pumasa naman. Bakit ang anak ko lamang ang tangi mong binagsak dito?"
I almost rolled my eyes. "Why don't you ask your son, then? Na bakit lahat ng kaklase niya ay pumasa, ngunit siya ay hindi?"
"This is unfair!" ulit niya.
"I am being fair here, Mrs Carson. I already handed all the test results of your son. Clearly, he didn't even get at least half of the correct answers. Hindi rin siya active sa mga performance tasks and school activities. Ano ang gusto ninyong gawin ko? Ang ipasa siya kahit na hindi naman talaga iyon ang karapat dapat?" I fired back.
Padabog niyang binagsak sa lamesa ko ang mga test papers na binigay ko sa kaniya kanina. She stood up with brows furrowed and eyes glaring at me.
"I can't believe this school hired someone like you! You're incompetent and... and mannerless! Kung bumagsak ang anak ko, ibig sabihin lamang niyon ay hindi ka magaling magturo!"
My lips parted because of that. Parang baril na kinalabit ang gatilyo, tumayo ako at pagalit siyang tinignan. Seriously? Just... how dare her?
"Don't insult me and my credibility as a teacher right infront of me, inside my own office," I said coldly. "May I just remind you that thirty three out of my thirty four students passed. Anak mo lang ang hindi."
Pinilit kong ngumiti kahit pa sa sobrang inis ko, nagmukhang plastic iyon. Paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sarili kong pahabain pa ang pisi ng pagtitimpi.
Umayos ka, Kaia. Kailangan mo ang trabahong ito. Wala ka nang pera!
"Kung pumasa ang lahat, at ang anak mo ay hindi, baka... hindi lang talaga siya masyadong tutok sa pag-aaral, Misis?" I tried to contain my annoyance as I filter my words.
Mahirap na. Baka bukas paggising ko, wala na akong trabaho.
I saw her swallowed hard. Hindi siya kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Kanina naman kasi, maayos ang pag-uusap namin. Kalmado ko pa siyang sinasagot sa bawat tanong niya ngunit nang ibigay ko na sa kanya ang mga resulta ng tests ng anak, nagsimula na siyang mag-alburoto at magsalita ng kung ano ano.
Honestly speaking, this isn't the first time that a parent came to me. Maraming beses na rin akong napuntahan ng mga magulang ng mga estudyante ko.
Sa haba ng pamamalagi ko rito, heto at naging guro ako. Ito ang pinagkakaabalahan ko habang inuubos ko ang mga natitirang taon ko sa mundong ito.
I just really don't understand why the parents are coming directly to me. Palaging kapag tinatanong ko kung nakausap na nila ang anak tungkol dito, ang sagot nila ay hindi.
Bakit hindi muna nila tanungin ang kanilang mga anak tungkol sa mga ginagawa nila rito sa eskuwelahan kaya't naging ganoon ang grado nila? Because surely, their children would know why.
I hissed. Humans and their toxicity. Magagalit muna bago magtatanong. Magsasabi muna ng ilang mga masasakit na salita bago subukang intindihin ang sitwasyon.
"I will never forget this, Miss Marcelline. Babalikan kita."
Yeah, right. Here goes the unending empty threats.
Ngumisi ako. I've already heard the worst kind of threats, Mrs Carson. I already experienced the worst kind of situation. Sa tingin mo ba talaga, matatakot ako dahil lamang sa ganyang klaseng pagbabanta?
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...