"We're both lying, ain't we?"
I chuckled wearily. Bumuntong hininga ako at muling yumuko. I can feel my heart shattering into pieces as I stared at the familiar fruit of Mallory.
"What do you really want to do, Kaia? Tell me," si Sky gamit ang isang kalmadong boses.
Nanikip ang dibdib ko. Suminghap ako at tumingin sa mga mata niya.
"Do you think... it would change anything? Kung kainin ko man 'to, sa tingin mo ba... may mababago ako?" namamaos kong tanong sa kaniya.
I saw him swallowed hard. Hindi siya nagsalita. Malungkot akong ngumiti sa kaniya.
"Babalik tayo ulit sa dati. Sa kung saan ang lahat ng ito nagsimula at nagwakas," wika ko. "Sa isang sumpa."
He looked away. Kita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. He then sighed frustratingly, still unable to speak.
Suminghap ako. "Kung sakaling kainin ko man ito, magkakasama pa muli tayo nang mas matagal dahil karagdagang limang daang taon ang ibibigay sa akin sa mundong ito," I said truthfully. "Pero Sky..." Nabasag ang boses ko. "Wala kang kakayahang samahan ako sa loob ng limang daang taong iyon. I'll spend more years by myself than with you."
Binuka ko ang bibig upang huminga kasabay ng pagbaba ko ng prutas sa ibabaw ng kama. My chest stings so bad. Hindi pa nakatulong na nakikita ko ngayon kung paanong unti unting nangilid ang luha sa mga mata ni Sky.
"At isa pa, mapapanood ko kung papaano ka..." I trailed off. "Kung papaano ka... mamamatay."
My lips trembled. Umangat ang tingin sa akin ni Sky sa sinabi kong iyon. I smiled weakly at him.
Kahit pagbalik-baliktarin ko man ang mundo ngayon, mananatili pa ring tao si Sky. Ibig sabihin ay hindi ganoon kahaba ang taon na ilalagi niya rito sa mundo kumpara sa aming mga Diyos o Diyosa na halos hindi namamatay. He is mortal while I'm not.
A tear escaped from his eyes. Mabilis na lumapat ang kamay ko sa pisngi niya upang punasan iyon. His quivering hand held my wrist.
"Do you want me to witness that?" I croaked.
Maagap siyang umiling. Humigpit ang hawak niya sa palapulsuhan ng kamay kong nakahawak sa pisngi niya. My vacant hand crawled to reach his. Slowly, I reached for his fingers one by one. Bumaba ang tingin niya roon.
"Masasaktan ako, Sky, nang sobra sobra," I said in a muffled and strained voice. "Pero wala akong ibang magagawa kung hindi ang magpatuloy dahil wala akong karapatang sumuko. Dahil kahit gaano man akong masaktan, kailangan ko pa ring harapin at tapusin ang limang daang taong iyon. Kahit pa wala ka."
"Then don't eat it," ani Sky gamit ang buong boses, na ikinagulat ko.
I blinked twice. Binaba niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at inangkin iyon. His gaze remained on our intertwined fingers for a few silent moment before he lifted his eyes on me.
He smiled softly. "Let's not commit the same mistake again," he said that seriously. "It took me years to come back to you. Mahabang panahon muna ang dumaan bago natin tuluyang matutunan kung paano ang tamang pagpapakita ng pagmamahal."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Tears filled my eyes when I realized that he has been thinking about this too. Gaya ng kung paano ko ito pinag-isipan kahapon simula noong makausap ko si Aeshna.
Naisip at napagtanto ko kung gaano katama si Aeshna nang sabihin niyang masyado kaming naging mapusok ni Triton noon. Masyadong sobra ang pagmamahal naming dalawa para sa isa't isa, at dahil doon, masyado rin itong naging mapanganib. Our love for each other was too toxic to the point of self-destruction.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
ФэнтезиKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...