Chapter Five

139 11 8
                                    

Iritableng iritable ako sa mga sumunod kong mga klase. I know that I should be professional. Hindi dapat dinadamay ang trabaho sa personal na nararamdaman pero ang lalaking kasing iyon! The next time I see him, I'll definitely kick his balls!

Yes, Sky! Say goodbye to your future babies!

I scoffed because of that thought. See that? Pati pag-iisip ko naapektuhan na! That man...

Naglakad ako papunta sa gate. Unfortunately, Aeshna still can't go here. Hindi pa siya nakakauwi galing sa kung saan man iyon. Where did she go, really? Bakit sa tuwing sasapit ang araw na ito ay lagi siyang nawawala?

Well. It's her business. Hindi na dapat ako nangingialam.

Nang may mapansing akong dumaang tricycle ay mas binilisan ko pa ang paglalakad. "Hey, wait-- OH!"

Natigilan ako dahil muntikan na akong matalisod! Goodness! Bakit ba naman kasi... Ano bang mayroon sa araw na ito at bakit ganito ang nangyayari sa akin!?

That Sky... Siya yata ang malas sa buhay ko!

I gasped for more air. Tinignan ko ang sapatos ko. Kaya naman pala. My shoelace weren't properly tied. Bumuntong hininga ako. May hawak ako sa magkabila kong kamay kaya hindi ko matali kaagad.

I closed my eyes tightly. Ramdam ko ang pag-iinit sa loob ko dahil sa sobrang iritasyon sa mga nangyayari sa akin.

I heard a familiar laugh somewhere. Dumilat ako at pinasadahan ng tingin ang buong paligid. I licked my lower lip when I saw a very familiar annoying man. Naglalakad siya papalapit sa akin habang nakangisi.

"Anong tinatawa tawa mo riyan!?" pagalit kong sinabi sa kaniya.

Nakita niya ba akong muntikan nang madapa? How dare this man laugh at me!? Pinakukulo talaga niya ang dugo ko!

"Ang tanda tanda mo na, hindi ka pa rin marunong magsintas nang maayos?" He insulted me.

I glared at him. Tuluyan na siyang nakapunta sa harapan ko. He is still wearing his wide grin in front of me. Now I suddenly remembered his sticky note on my forehead.

Chase your dreams? Really? Sarap talagang hambalusin ng lalaking 'to minsan, e.

Maya maya pa ay bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi sinasadyang nasipa ko siya sa mismong mukha niya.

"Aray naman!"

Tumingala si Sky at matalim akong tinignan. Nakahawak siya sa bibig niya na sa tingin ko'y natamaan ng sipa ko.

Kasalanan ko ba? Siya itong bigla biglang luluhod sa harapan ko, e.

Tumikhim ako. "Bakit ka ba kasi nanggugulat!?"

"Why? Did I say 'BOO!' to you?" he said sarcastically. "Saka bakit ka ba naninipa? May lahi ka bang kabayo?"

My brows furrowed. Now, I don't regret kicking his face anymore. Sana pala ay mas nilakasan ko.

"What are you doing there, anyway? Tumayo ka nga!?" asik ko. Bakit ba kasi nakaluhod yan sa harapan ko?

Kung wala lang akong hawak ngayon, kanina ko pa siya nasabunutan. I glared at him as I brutally killed him in my imagination.

"Hoy," natatawa niyang sinabi. "Baka iniisip mo magpopropose ako sayo? Wag ka assuming, ah."

"Gusto mong masipa ulit?" I threatened him.

He chuckled. Maya maya pa ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kanang paa ko. Sinubukan kong kumawala ngunit masyadong pirmi ang pagkakahawak niya sa akin.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon