"Hindi mo ba siya susundan?"
Nilingon ko si Aeshna. "Hindi na. I'm tired, Aesh. Matutulog muna siguro ako," iling ko sa kaniya.
Nagtagal ang tingin sa akin ni Aeshna, naninimbang. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. I smiled wearily at her.
Tuluyan nang umalis si Sky. I didn't even bother to stop him after he said those words to me. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. It was like all my strength were taken away by his words, the reason why I didn't have enough energy to stop him from leaving.
"Pupuntahan ko siya. Magpapaliwanag pa ako. Hindi lang siguro ngayon," sambit ko.
"Alam mo ba kung saan siya pumunta?"
Tumango ako. "He said that he needs to go to a meeting, right?"
"Oo. Parang sa negosyo yata? O kumpanya ba?"
"In his resort. In Batangas," wika ko.
Aeshna's lips parted because of shock. Diretso ang tingin ko sa kaniya, pagod na para magbigay pa ng kahit na anong emosyon sa mukha.
"Hindi ba roon 'yong..." She stopped for a while. "mga lalaking nagtangka sa iyo? Alam niya na ba ang tungkol doon?"
Nagkibit balikat ako.
"I don't know. Hindi namin napag-usapan at ayaw ko na rin namang sabihin sa kaniya." Natigilan ako nang may biglang naalala.
Those three...
My brows furrowed, trying to remember everything about them. I immediately glanced at Aeshna when I realized something.
"Anong ginawa mo sa tatlong lalaking iyon?"
She blinked twice. "Uh..."
"Hindi na nila ako ginulo kahit nakita nilang gumamit ako ng kapangyarihan. Why? Did you... kill them?" Humina ang boses ko dahil sa huling tanong.
"Ano!? Hindi no! Grabe ka naman!" bulyaw niya.
"Then, what did you do?"
"Hindi ko sila kailangang patayin para hindi ka nila guluhin, Empi," malumanay na wika niya. "All I need to do is to wipe their memories away about you."
Naningkit ang mga mata ko.
"Sinasabi mo bang inalis mo ang alaala nila tungkol sa akin at sa nangyari noong gabing iyon?"
"Uh-huh," si Aeshna.
"How did you do that?"
"Sinabi ko bang ako?"
I licked my lower lip. Ang akala ko ay may kakayahan si Aeshna'ng gawin iyon. Mukhang hindi niya pa nahaharap na pag-aralan ang ganoong klase ng kapangyarihan.
An idea passed on my mind. Ngumuso ako at humalumbaba.
"Is that the person who has..." nanliit ang mga mata ko, hindi maalala kung anong klaseng Control ang mayroon ang lalaking iyon. Sinabi na sa akin ni Aeshna ngunit nakalimutan ko na naman! "What kind of Control does he have again?"
She shrugged. "Manipulating."
"Ah," tumango tango ako. "Siya ang tumulong sa iyo sa tatlong lalaking iyon kaya tinulungan mo rin siya. That's why you were gone for months with him."
She nodded and smiled.
"Ang buong akala ko ay may alam ka na sa pagtanggal ng alaala ng isang tao. Looks like you still don't have time to study about that, huh?"
"Mahirap iyon," aniya. "Baka hindi ko kayanin. Marunong lang akong magbalik ngunit hindi ang mag-alis."
I bit my lower lip. Now I got the whole picture. Tuluyan ko nang naintindihan kung bakit kinailangan niyang umalis noon.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...