a/n: this would be the last chapter before the epilogue. thank you for putting up with me and with my story even after all its flaws and imperfections. hanggang sa huli, mahal ko kayo!
***
She looked at me with her usual sarcastic face that sends me shivers down my spine. I blinked twice as I felt my heart pounding so bad.
"Why?" she asked. "Can't I visit my daughter?"
Saglit siyang tumingin sa dalawang nasa likuran ko bago muling ibalik ang mga mata sa akin. The side of her lips rose, as if she remembered something funny after she gazed at the two.
"I'll..." Huminga ako nang malalim. "b-be back on our empire by tomorrow night. No need to v-visit me."
She chuckled with no humor in it. Mas lalo lang nadepina ang kaba ko dahil doon.
"A-and I'm sure you are watching me from the palace. So w-why would you need to..." I stuttered so bad.
"Yes," she answered. "I watched every stupid thing you did in this world. I even saw you cutting your own arm." Repugnance immediately etched on her face and voice as she said that.
Umawang ang labi ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang gulat na pagbaling sa akin ni Aeshna. Sky moved, obviously offended by what my mother said. Kaunti na lang ay alam kong sasabat na siya.
Sinapo ko ang noo at saglit na pumikit. I breathed slowly so I can calm myself down. Saka ako muling dumilat at mas matapang na ngayong hinarap ang ina.
"Pupwede bang... sa loob ng kwarto ko na lang tayo mag-usap, Ina?" My voice almost trembled.
Her brows shot up. Muli niyang tinapunan ang dalawa sa likod ko na batid kong kapwa hindi gusto ang naging desisyon ko. They are worried about me so much that they wanted to be by my side as I face my mother but this is already my personal business. Hindi na dapat sila madamay pa sa gusot ng aking pamilya.
Nagkatinginan kami ni Ina. I was determined to keep our conversation private from these two so I did my best not to falter. Maya maya pa ay nagkibit balikat siya at pinasadahan ng tingin ang paligid.
"Which room?"
Tinuro ko ang tamang kwarto. My mother gracefully walked towards that room without looking back.
I sighed frustratingly. Ano na naman ba itong nangyayari? Hindi ba ako pupwedeng magpahinga muna at bakit kailangang sunod sunod ang mga ganitong problema?
Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri bago tuluyang maglakad papaalis. Tatlong hakbang pa lamang ay may isang kamay na kaagad ang humigit sa braso ko, dahilan kung bakit napabalik ako sa dating pwesto.
Sky's worried eyes met mine. Seryoso ang mukha niya habang titig na titig sa akin.
"Magiging maayos din ang lahat, hindi ba?" napapaos niyang tanong.
I smiled and nodded at him. "Of course."
Everything will be okay soon. Hindi ako papayag na hindi. Sa oras na muling maibalik ang kapangyarihan ko sa akin, iyon ang una kong gagawin.
Aayusin ko ang lahat ng ginulo ko rito sa mundo. Sa abot ng aking makakaya... gagawin ko.
Unti unti ay inalis ko ang pagkakahawak ni Sky sa braso ko. I glanced at Aeshna for a while and smiled. Seryoso lang siyang tumango sa akin.
Ilang sandali pa ay tuluyan na akong pumasok sa kwartong kinaroroonan ng mahal na reyna. I can feel the bile on my throat as I looked at her. Humarap siya sa direksyon ko nang maramdaman niya ang presensya ko.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...