"Gusto mong magpatugtog?" tanong niya sa akin.
Umiling ako at humalukipkip. "Mukha bang gusto ko?"
Humalakhak siya. "Meh, you're so difficult," he said. "Mukha ka kasing bored."
I rolled my eyes. Nanatili akong nakatingin sa daan dahil malapit na kaming lumiko. I need to instruct him about the way to home. "'Yan, iliko mo riyan sa may tindahan."
Sumisipol siya habang nililiko ang sasakyan. I sighed as I rolled my eyes again. Bakit parang ang tagal naman yata ng biyahe?
"Ilang taon ka nang nagtuturo?" He asked after some moment of silence.
"Three."
Pumayag lang naman akong magteacher kasi ang sabi ni Aeshna, iyon lang ang alam niyang madaling gawan ng mga papeles na kailangan. She faked everything, pati na rin ang kung saan ako nagtapos at kung ano ano pang impormasyon.
I am confident about being a teacher, though. Sa tagal ko ba namang nandito, alangan wala akong matutunan kahit isa? That's absurd.
"Ang hirap mo namang kausapin. Hindi ka cooperative," natatawa niyang sinabi.
Ngumiwi ako sa kaniya. "That's better. I like silence."
Why am I surrounded with these kind of being, anyway? Ayoko sa maiingay.
"Sungit," he whispered.
My brows furrowed. "What?"
Umiling siya. "Sabi ko, 'di mo ba tatanungin kung anong pangalan ko?"
Kumunot ang noo ko at kaagad siyang nilingon. He glanced at me when he noticed that. Nginitian niya lamang ako bago muling ibalik sa daanan ang paningin.
Speaking of that... Hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya. I just know him as someone who tried to... oh, nevermind.
"Hindi," sabi ko kahit na medyo kuryoso nga ako sa pangalan niya.
Pinikit ko ang mga mata ko at saglit na isinandal ang ulo sa upuan. It's kinda relaxing this way.
"Zacharius Sky Torres."
I opened my eyes to check where we are. Malapit na kami.
"Walang nagtatanong."
Ang ganda ng pangalan.
"Share ko lang."
I rolled my eyes again as I suppress a smile. Hindi na ako umimik pa dahil natatanaw ko na ang bahay ko.
"Doon sa may itim na gate," saad ko. I unbuckled my seatbelt smoothly. "Diyan, tigil mo na."
He stopped the car right in front of my house. Sinulyapan ko siya saglit at naabutan ko siyang nakatanaw sa labas.
"Your house is quite big," he commented.
Tumikhim ako. "Yeah," I replied. "Baba na ako. Thank you for the ride," sabi ko at kaagad hinawakan ang pintuan.
He glanced at me and smiled genuinely. Napansin ko pa ang saglit na pagdapo ng tingin niya sa kamay ko.
"Bababa sana ako para pagbuksan ka pero hawak mo na, e." He laughed.
"Huwag na. Alis na ako. Ingat sa pagda-drive." I smiled.
"Yeah, thank you. See you tomorrow."
Tumango ako. "See you," sabi ko at tuluyan nang lumabas.
Naglakad ako papunta sa harapan ng gate. Hihintayin ko sana siyang umalis bago tuluyang pumasok pero hindi pa rin niya pinapaandar ang sasakyan.
I bit my lower lip. Ano bang iniisip nito? Lumapit ako at kinatok siya sa bintana niya. Ibinaba niya naman ito at kaagad bumungad sa akin ang malapad niyang ngisi.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...