Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili roon. Malamig ang tama ng hangin sa balat ko ngunit hindi ko iyon inalintana. I paid attention to the every detail of this place, with a heavy heart and with Sky's sobs as my music. Masyado akong pokus doon kaya madali kong napansin noong biglang tumahimik ang paligid.
The silence was so defeaning. My heart raced mad as I sharpen all my senses. Nanatili akong nakaupo at nakasandal sa puno habang pinakikiramdaman ang tahimik na kapaligiran.
"Saan ka pupunta?" I heard Sky's hoarse voice.
My eyes narrowed a bit. Saglit pa akong kinabahan dahil akala ko'y ako ang kausap niya. I just found out that it wasn't me when I heard a familiar voice responding to his question.
"Aalis na," said Aeshna. "Alam kong ayaw ni Empi na manatili pa ako rito pagkatapos ng lahat ng nalaman niya kaya--"
"Hindi mo naman kailangan umalis. You can stay here as long as you want."
"Salamat pero hindi ko gustong mas lalong makasakit dahil sa presensya ko."
"Wala ka nang ibang mapupuntahan, Aesh."
I heard her sigh heavily. "Alam ko pero... parang 'di mo naman ako kilala. Kaya ko 'to. Mag-isa akong namuhay noon sa loob ng mahabang panahon at kakayanin kong mamuhay ulit nang mag-isa ngayon."
Tumayo ako. Tahimik akong sumungaw sa gilid ng puno upang makita ang dalawa. Malalim na ang gabi ngunit salamat sa liwanag ng buwan at nakita ko sila nang malinaw. May isang malaking backpack na nakasukbit sa likod ni Aeshna habang malungkot na nakangiti kay Sky.
They stared at each other for a while. Bitterness dripped in my whole body when I saw how deep their connection with each other is. Na mas pinalalim pa ngayong tiyak akong naaalala na ni Sky ang lahat ng tungkol sa kaniya.
He then smiled wearily. "Mapipigilan pa ba kita?"
"Hindi na," she said softly as her eyes flickered in tears.
Ilang sandali pa silang natahimik bago ko marinig ang pagbuntong hininga ni Sky habang nakatingin sa malaking bag na dala dala ni Aeshna.
"I sometimes wonder if you know how much you mean to me," he uttered huskily.
Aeshna smiled genuinely at him. She looked straight to his eyes and nodded.
"Oo naman," sagot niya, basag ang boses. "Magkasangga hanggang dulo, hindi ba? Kahit anong mangyari?" She said it like it was their motto in life.
Sky nodded and smiled. "Magkasangga hanggang dulo. Kahit anong mangyari."
Nilagay ko ang palad sa bibig ko upang pigilan ang paggawa ng kahit na anong ingay. I blinked twice when I saw how Aeshna slowly walked passed Sky. Hindi na ako nagulat noong hawakan ni Sky ang braso niya upang pigilan siya.
Nanikip ang dibdib ko. Muling napaharap si Aeshna kay Sky, gulat ang mga mata dahil sa biglaan nitong paghigit sa kaniya.
"I'm sorry," ani Sky, titig na titig sa kausap.
Aeshna's lips parted. Halatang hindi niya inasahan ang narinig.
"A-ah..." she chuckled uncomfortably. "Hindi ba ako dapat ang humingi ng tawad? Tinago ko sa inyo ang katotohanan at pinaniwala ko kayong--"
"For being selfish."
Kita ko kung paano naapektuhan si Aeshna roon, tila alam na kung ano ang ibig puntuhin ng kausap. I saw pain passed on her eyes while looking at Sky.
"I'm sorry that I wasn't able to consider your feelings that time. Hindi ko inisip kung anong mararamdaman mo kung sakaling... mawala ako. I'm sorry I wasn't able to shield you from pain just like what I promised. Patawarin mo ako kung iniwan kita... kung ginamit ko ang kahinaan mo para lang masunod ang gusto ko," he said that sincerely.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasiKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...