Chapter Twenty Two

82 7 1
                                    

I sighed heavily as I hugged my pillow. Aeshna didn't talk to me for the rest of the day after that row. She just locked herself inside her room. Hindi siya kumain at hindi rin sumagot noong sinubukan kong ayain.

Umupo ako sa kama at nilagay na lamang ang unan sa ibabaw ng aking hita. I licked my lower lip, trying to reminisce what has happened for the past few days.

I just really don't understand why Aeshna started to act so weird. Nagsimula lang naman ito noong nakilala niya si Sky. Or am I just overthinking? Baka naman talagang naapektuhan lang din siya dahil naiipit siya sa aming dalawa ni Sky?

Pumikit ako nang mariin at sinapo ang noo. Patong patong na ang problema ko at hindi ko na alam kung ano ang uunahin. I don't even know how to face all these challenges. All I just did was too run away.

Kagaya ng hindi ko pagpapakita kay Sky dahil sa nalaman ko mula sa aking ama. At kagaya ng hindi ko pagsabi sa kaniya ng mga bagay na dapat ay alam niya naman talaga dahil kasintahan ko siya.

Hindi naman kasi madali.

I almost scoffed because of that thought. Kailan ba naging madali sa akin ang kahit na ano? I don't even know if I'm just weak to conquer every obstacles or I'm just really tired because these obstacles are now slowly becoming endless.

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Magtatanghali na nang magising ako. Mabilis akong naligo bago tuluyang lumabas sa kwarto.

Naabutan ko si Aeshna na nasa sala, nanonood ng TV. I pursed my lips as I felt my heart throbbing so hard. We never fight. Kahit kailan, hindi namin nasubukang mag-away. We had so many misunderstandings but this is different. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko siyang ganito.

Bumuntong hininga ako. Dumiretso na lamang ako sa kusina para maghanda ng kakainin.

"Kumain ka na ba?" I asked when I'm almost done preparing the table.

Aeshna just shook her head. "Mauna ka na. Busog pa ako."

My lips parted. Magsasalita pa sana ako ngunit walang kahit na anong lumabas na salita sa bibig ko. I feel like there's a bile on my throat.

Mag-aalas dose na. Hindi pa rin ba siya kumakain? O kumain na pero tinanggi lang?

Huminga ako nang malalim. I sat down and tried to eat. Nasa kalagitnaan ako nang makita kong tumayo si Aeshna, pinatay ang TV, at muling pumasok sa loob ng kwarto niya. I even heard the sound of its lock.

"Is she really that mad..." I murmured to myself.

I bit my lower lip. Nawalan na ako ng gana. Tumayo ako at niligpit na lamang ang pinagkainan. Nang matapos ako ay nagmartsa ako papunta sa sala at umupo sa kung saan nakaupo si Aeshna kanina.

Hindi ako mapakali. Parang gusto kong tumayo, maglakad, umupo, tapos tumayo at maglakad ulit! Goodness... Natataranta ako!

"Dalawa lang naman 'yan," bulong ko sa sarili.

It's either you'll let yourself be eaten by your pride and just do nothing or you'll swallow it and will talk to her. It's that simple! Pili, Kaia...

Hindi ko naman kasi maintindihan kung bakit bigla na lang naging ganito. Well, yes, she has a point but... where is she really coming from?

Nakatitig ako sa kawalan habang iniisip ang lahat. I then sighed heavily when I realized that I can't finish this day without making up with that enchantress.

Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan ng kwarto niya. My heart raced mad. Ilang segundo pa akong nakatitig doon bago ako tuluyang kumatok.

"Aesh?" I called her.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon