Tw: brutality
Kung alam ko lang na sa ganito rin pala hahantong ang lahat, sana ay pinili ko na lang na tuluyang lumayo kay Sky noong una pa lang. Kung alam ko lang na sisirain ko lang pala ang imahe niya sa lahat, sana ay hindi ko na lang pinilit na makasama siya.
Pero hindi iyon ang kaso ngayon. I took the risk. I already fought for our love and now, I must not falter in front of its consequences. Nasa harapan na namin ang problema, at kung magpapatuloy lang ako sa paninisi sa sarili ay wala ring mangyayari.
"Yes. I owe you this one. Thank you so much," rinig kong sabi ni Sky sa kausap sa telepono.
Tumabi ako sa nakatulalang si Aeshna. I caressed her right shoulder gently. Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon. My chest stings knowing that she was reminded by what happened to her and to her mother because of that stupid video.
History is repeating itself. Suminghap ako upang pilit na pakalmahin ang nagwawalang sistema.
"I've already contacted my friend. The video will be deleted as soon as possible," ani Sky.
We are still on the dining area. Nailigpit na ni Manang Thelma ang mga pagkain at pinauwi na rin siya ni Sky sa kanila sa pag-aalalang baka madamay siya sa gulo. Magkatabi kami ni Aeshna at nakatayo naman sa harapan namin si Sky, tanging ang lamesa ang pumapagitna sa aming tatlo.
I sighed frustratingly as I placed both of my elbows above the table. Marahas kong sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Marami na ang nakapagdownload o nakapagscreen record niyon. Kung idedelete, may panibago lang na magpopost. Paulit ulit lang din," Aeshna said with a stern voice.
"I will sue her--"
"And then what? We'll attend the hearing? Makikipagkita kami sa Riley na iyon?" putol ni Aeshna sa kaniya.
"What she did was absolutely--"
"May ebidensiya ka man lang ba na siya talaga ang nagpost--"
"I'll contact someone. I'm sure we can--"
"Hindi mo ba talaga naiintindihan, Zacharius?!" aniya sa isang marahas na boses. "Mas lalo lang hahaba kapag gagawin mo 'yan! Mas lalo lang kaming masasangkot sa mga tao! Mas lalo lang kaming mapag-iinitan!"
"Aeshna..." I called to stop her from saying more. Saglit pa akong napapapikit dahil sa pagod at frustration.
She then glanced at me. My lips parted when I saw how her eyes shined because of tears. Isa isang pumatak ang luha mula sa mga mata niya kaya mabilis akong gumalaw upang mayakap siya.
Tila may kung anong punyal ang paulit ulit na tumutusok sa puso ko habang pinapakinggan ang bawat paghagulgol niya.
"Pa-papatayin nila tayo, Empress. Papatayin nila ta-tayo..." She sobbed loudly.
"Hush, Aeshna. I won't let them do that..." nanginig ang boses ko.
I saw Sky moved towards us. Tumayo siya sa gilid namin at marahang hinaplos ang buhok ni Aeshna upang aluin ito. Ramdam ko ang pamamasa ng balikat ko dahil sa mga luha niya ngunit hindi ko inalintana iyon.
She cried more. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Ang mga t-tao..." aniya sa pagitan ng mga hikbi. "Malulupit sila, Empress... Malulupit ang mga tao..."
I bit my lower lip.
"Sasaktan nila tayo na parang mga hayop--"
"Hindi ko hahayaan iyon, Aeshna. No matter what happen, I'll protect the both of you," si Sky. "Kahit ano pa man ang maging kapalit. Pangako 'yan..."
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...