Chapter Six

137 11 5
                                    

We arrived just in time.

Tinulungan kami ni Sky na iayos ang mga gamit namin sa isang suite. Kanina pa talaga ako nagtataka kung bakit siya narito. Hindi siya kasali sa seminar. Why would he even bother to come here?

I gasped in disbelief. Mabilis kong hinatak si Sky palayo kina Leila at Hazel na parehong abala sa pag-aayos ng mga gamit nila. I couldn't help it anymore! My curiosity will kill me!

"Hoy, grabe! Ang aggressive mo naman? Crush mo ba ako?"

Pabagsak ko siyang binitawan. "Ang kapal ng mukha mo?" My eyebrows furrowed at his statement.

Really? That escalated there? Ang kapal naman!

"Joke lang. Ito naman..." He chuckled. "Bakit ba kasi?"

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. "Why are you here?"

"Bawal ba ako rito?"

"Hindi mo ba talaga sasagutin ang tanong ko?" I said irritatingly. I saw him pursed his lips at that. "Bakit ka nga kasi nandito? Hindi ka kasama sa seminar, ah?"

He shrugged his shoulders. Humalukipkip siya habang nakangising nakatitig sa akin.

"Just checking..." he murmured.

Umawang ang labi ko at mariin siyang tinitigan. What would I expect with this man? Hindi nga pala siya matinong kausap.

Inirapan ko siya at padabog na tinalikuran. Sinamahan ko sina Hazel at Leila sa pag-aayos ng mga gamit. They are talking about some random stuff but they stopped when they saw me approaching.

I frowned. Am I really that intimidating? Aeshna says so...

Hindi naman siguro. I think they just really hate me being straight forward all the time.

Nagkibit balikat ako at tinapos ang pag-aayos ng gamit ko. Sanay akong walang may gusto sa akin. From the very beginning, I am used to it. Hindi na ako naninibago sa tuwing malalaman kong mayroong may galit sa akin.

Ano nga ba ang magagawa ko roon? Wala. Kung gusto nilang magalit edi hahayaan ko na lang sila. Just don't dare to hurt and insult me on my face. Dahil hinding hindi ako makapapayag ng ganoon.

I might not be able to protect myself from harm years ago but now... I am more than willing to. Dahil wala naman akong ibang makakapitan pa sa mundong ito kung hindi ang sarili ko.

No one is here for me. Ako na lang.

Pinilig ko ang ulo at pilit na iwaksi iyon sa isipan. Because I know... if that thought continues, it might evoke some scars from the past. Ayoko pang muling alalahanin iyon.

Hindi ako masyadong nakatulog sa biyahe kaya naman noong oras ng seminar ay halos wala ring pumapasok sa utak ko. Hindi ko rin masyadong maappreciate ang energy ng speaker. Lalo pa ngayon na medyo antok pa ako.

Ilang oras na ba kami rito? Ang tagal naman yata. Yumuko ako at bahagyang pumikit. I yawned. Goodness, I am so sleepy.

"Before we could have our lunch break, I just want to say my deepest gratitude to the owner of this resort... Thank you for facilitating this event, Mr. Torres."

Mr. Torres?

Torres. Hmmm. Saan ko nga ba narinig ang apelyidong 'yan? It seems so familiar.

"No problem. I hope you guys will enjoy your stay here."

Bigla akong napadilat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.  Napatunghay kaagad ako at halos mamilog ang mga mata ko nang tuluyan siyang makilala. Parang nawala ang lahat ng antok ko at tuluyang nagising ang katawang lupa ko.

Ocean Waves Of MiseryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon