Bumuntong hininga ako pagkalabas na pagkalabas ko sa kwartong iyon. I felt something heavy inside me. Kinagat ko ang labi ko at sumandal sa may pintuan.
On my four hundred and ninety nine years here, I will be lying if I'll say I didn't consider committing suicide. Bawat araw na lumipas noon, pakiramdam ko pabigat lang nang pabigat lahat ng sakit. Hindi kahit kailan nabawasan.
I am hoping for a better life everyday. Pero kahit kailan ay hindi nangyari.
So I tried to end my life here... once. Pero hindi nangyari. The curse didn't let it happen. Sinisigurado nitong mabubuhay ako rito sa loob ng limang daang taon.
Mabubuhay ako kahit pa gaano kamiserable at kahirap ang maaari kong maranasan at maramdaman. Mabubuhay at mabubuhay pa rin ako. I don't have a choice. There's no other option.
So how can that man end his life like that? Samantalang ako...
I find it so unfair. It is so unfair.
At first.
Pero tama siya. Hindi ko dapat ikumpara ang nararamdaman ko sa nararamdaman niya. Magkaiba kami.
He made me realize that all of us are capable of experiencing the same wave. Ngunit hindi lahat ay may kakayahan para makaligtas doon. Maaaring ang iba, naturuan kung papaano lumangoy... pero ang iba ay hindi.
We all have the right to be tired, he said.
Bumuntong hininga ako at bahagyang sinapo ang noo. Saka ko lamang tuluyang napagtanto ang mga sinabi ko sa kaniya.
What have you done, Kaia? You were insensitive!
"Okay ka lang? May narinig akong nagsisigawan kanina. Sa inyo ba galing 'yon?"
Umayos ako ng tayo at tinignan ang bagong dating na si Aeshna. I shook my head. "Sa kwarto na lang ako. If he ever wants to leave, just let him be."
"Huh? Pero paano--"
I cut her statement off. "We already did what we can to save him. Let him decide what's the next thing that he would do."
Nasa kaniya na ang desisyon. It's his choice now.
Muli kong sinulyapan si Aeshna bago nagpasyang umalis papunta sa kwarto. I want to be alone. Akala ko noong una ay magiging tahimik ako sa lugar na ito. I thought this place would give me peace of mind. Pero kabaliktaran ang nangyari ngayon.
Nakakadalawang hakbang pa lamang ako papalayo nang may biglang sumagi sa isip ko. The girl last night...
Natatandaan kong bago ako mawalan ng malay ay may naaninag akong babae. Huminto ako sa paglalakad at muling hinarap si Aeshna.
"What happened to the girl?" tanong ko.
Her brows furrowed. "Anong babae?"
"The girl last night? May nakita akong babae na nakatingin sa atin bago ako mawalan ng malay."
Umiling siya sa akin. "Wala akong napansin, Empi," naguguluhan niyang sinabi.
What? Namamalikmata lang ba ako kagabi?
"Oh," Siguro nga namalikmata lang ako. "Nevermind, then."
Pumunta ako sa kwartong pinanggalingan ko kanina at doon nagkulong. Inabala ko ang sarili sa paggawa ng mga trabahong kailangan ko matapos bago muling pumatak ang araw ng Lunes.
Kumalabog ang pintuan dahil malakas na katok galing sa labas. My brows furrowed. Is it Aeshna?
I glanced at the wall clock. Ala una na ng hapon.
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...