Sky didn't leave until its sundown. Nagtataka at medyo nag-aalala man dahil alam kong abala siya sa trabaho, hindi ko na tinanong pa sa kaniya iyon. Hindi katulad noon na sa tuwing ganito ay sasabihin ko sa kaniyang ituloy ang trabaho dahil kailangan siya roon.
We spent the whole day doing the simplest and smallest things together. I didn't even realize that doing these can be delightful, not until I do it with him. Indeed, the simplest thing can be the best especially if you're spending it with the right person.
I licked my lower lip. A day with him feels so short. Siguro ay dahil... sobrang masaya ako. And now, knowing that our time together will just be limited, I can't help but to feel so selfish with him.
Because I know... that day is nearly coming.
"What are you doing?" I asked when I saw Aeshna doing some... weird things.
It's alread five in the afternoon and the sun is now setting. Kaaalis lang ni Sky at naabutan ko ang kaibigan na nasa likod ng bahay. Gaya ng dati ay hindi siya nakihalubilo sa aming dalawa. Kung hindi sa kwarto niya, narito naman siya.
Lumapit ako kay Aeshna at pinakatitigan ang kung anong ginagawa niya. Her eyes are closed tightly while humming some unfamiliar enchantments. Kumunot ang noo ko.
What is she trying to do this time?
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. May isang mahabang lamesa sa harapan niya at sa dulo nito ay isang babasaging baso na puno ng tubig katabi ng isang halamang nakalagay sa isang hindi kalakihang paso.
I pursed my lips. Humalukipkip ako at pinanood na lamang ang ginagawa ng kaibigan. When she stopped humming, she immediately went to the glass of water. Inamoy niya ito.
"What is that?" usisa ko at lumapit sa kinaroroonan niya.
Sinulyapan ko ang basong hawak niya at sinuri iyon. What happened? Parang wala naman yatang nagbago, ah. I glanced at Aeshna and threw her a questioning look.
Ngumiwi siya at mabilis na inilayo ang baso sa ilong. "Ang baho..."
Kumunot ang noo ko at kinuha mula sa kamay niya iyon. I sniffed on it. Weird. Wala naman akong naaamoy na kakaiba? In fact, it just look like a normal glass of water.
Mas lalo kong nilapit iyon sa mukha. Wala talaga akong maamoy! Bakit si Aeshna mayroon? Not that I want to smell something disgusting too but...
An idea passed on my mind. Akmang iinumin ko na lamang ang tubig upang malaman kung anong nangyari nang padarag na agawin iyon ni Aeshna sa akin. Namilog ang mga mata ko sa gulat.
"Empi, ano ba?!" pagalit niyang tanong. "Bakit mo iinumin!?"
"W-what... I..." I was too stunned by her sudden burst! I can't even utter a single word!
Umirap siya sa akin. Aba, anong ginawa ko!?
Bumaba ang tingin ni Aeshna sa hawak na baso. Saglit niya pa iyong sinipat bago ibinuhos sa halamang nasa gilid.
My lips parted when I saw that plant slowly dying. Maya maya pa ay tuluyan na itong nalanta hanggang sa numipis ang mga dahon nito at maging abo! Oh my goodness...
Did I just... almost kill myself?
"Ilang araw na akong nag-eensayo na gawin ito. Buti naman ngayon, gumana na," aniya.
Nilingon ko siya. "Why are you even practicing that kind of magic!?" I asked hysterically. "Are you planning on murdering someone, Aeshna?!"
"Ano?" may puwersa sa boses niya. "Hindi 'no! Grabe ka naman!"
BINABASA MO ANG
Ocean Waves Of Misery
FantasyKaia Empress Marcelline, the Goddess who's in charge of the ocean, sacrificed everything for the man she loved the most. She ate the cursed fruit on their kingdom; ang prutas na kaya siyang gawing normal na tao ngunit kaakibat niyon ay ang kanyang p...