Wedding.
"Mommy, please wake up. I miss you na po." malungkot na sabi ni Maggie habang nakaupo sa gilid ng kama ni Mira.
Si Mr. Dondiego naman ay tahimik lang na nakamasid. Sa tingin ko ay malungkot parin ito dahil sa pagpanaw ni Lolo Andres lalo na at si Mira naman ay hindi parin gumigising.
Sa oras na magising s'ya ay hindi namin alam kung paano sasabihin sakanya ang pagkawala ni Lolo Andres. Hindi maaaring sumama ang loob n'ya dahil makakasama ito sakanya.
"Mommy, i got 3 stars today. Very good ako kaya please wake up na."
Magdadalawang buwan na s'yang tulog at ang sabi naman ng doctor ay maayos lang ang kalagayan niya pero hindi ko parin maiwasang mangamba para sa kanilang dalawa ng anak ko.
Bakit ang tagal n'ya namang magising? Kung maayos s'ya, dapat matagal na s'yang gising diba?
Tuluyan ko ng pinasa ang resignation letter ko at ang pagpapaayos ng bahay sa Masbate ay pinasimulan ko na. Para kapag nagising na si Mira ay ayos na ang lahat. Kasal nalang ang kailangan.
Tumayo na si Mr. Dondiego at saka niyayang umalis si Maggie.
"No. Daddy I want to sleep here. I want to stay beside Mommy."
Napahinga nalang ng malakas si Mr. Dondiego. "Maggie, we need to leave. May pasok ka pa bukas, bawal ka magpuyat. Mommy wouldn't like it kapag nagpuyat ka."
Malungkot na bumaling si Maggie kay Mira at saka ito hinalikan sa pisngi. Saka ito matamlay na kumaway sa'kin at nagpabuhat kay Mr. Dondiego.
"Salamat po sa pagbisita, Mr. Dondiego. Mag-iingat po kayo."
Biglang tumawa si Mr. Dondiego dahilan para maguluhan ako. "You're my daughter's fiancé tapos Mr. Dondiego ang tawag mo sa'kin. Just call me Papa or Tito."
"Sige po. Salamat ulit, P-papa."
Nakangiti nitong tinapik ang balikat ko at saka lumabas. Nang maiwan ako mag-isa ay saka ako muling tumabi kay Mira at mahigpit na hinawakan ang kamay n'ya. Noong isang araw ay gumalaw ang isang daliri n'ya.
Ang sabi ng doctor ay maganda daw yun. Isa daw iyong sign na malapit na s'yang magising. Sana nga ay magising na s'ya.
"Bukas, gising ka na dapat ha. Goodnight, binibini ko." masuyo ko s'yang hinalikan sa noo bago ako humiga sa isang extrang kama.
Bago matulog ay muli akong humiling sa Diyos na sana ay magising na s'ya.
----------------------
Naalimpungatan ako dahil sa mga naririnig kong ingay. Parang may nagpatak na kung ano sa sahig. Bumangon ako at nag-inat.
May mga kaluskos pa akong naririnig at maging ang tunog ng isang zipper. Kunot noo kong kinusot ang mga mata ko at saka nagmulat. Nag-adjust pa ang mata ko dahil sa liwanag.
Luminga-linga ako sa paligid at napansing wala namang tao sa kwarto kundi ako.
'Ano yung maingay?'
Ilang segundo muna akong natulala bago nanlaki ang mga mata ko dahil napagtanto kong ako nga lang talaga ang nasa kwarto. As in mag-isa lang ako. Walang nakahigang Mira sa kama.
Dali-dali akong tumayo upang tingnan ang kama niya. Malinis ito at may pagkain pa sa tabi. Ganoon parin ang ayos ng buong kwarto pero may nawawala.
Ang bag ko! Di kaya magnagnakaw kay Mira tapos isinama pati ang bag ko?
Tatakbo na sana ako palabas ng kwarto nang marinig ko ang pagbuhos ng tubig sa banyo. Maingat ako nagtungo sa pinto at saka pinihit ang doorknob.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...