Chapter Twenty-Five

35 15 0
                                    

Bad news.
Mira's POV

"Hello, gurl? Asan ka na ga? Kanina pa talaga ako dine." bakas sa tono ng pananalita ni Rina ang pagka-inip.

Papunta ako ngayon sa mall para i-check yung cafe namin. Hindi naman pwedeng lahat nalang ay iasa ko kay Rina. Partners pa man din kami.

Pinahatid ako ni Ace sa bago nilang driver. Nalaman ko nitong huli lang na umalis na pala sa serbisyo si Kuya Edward. Ang sabi ni Ace ay may sariling pamilya na daw ito at mas pinili nalang na manatili sa probinsya kasama ang pamilya. Namimiss din siguro ito ni Ace paminsan-minsan lalo na't ito ang nagpalaki sakanya.

"On the way na nga diba? Na-stuck lang sa traffic."

Sumilip ako sa bintana upang tingnan kung may pag-usad na ba na naganap ngunit sa kasamaang palad ay wala.

"Hay nako. Oh s'ya, ako'y maglilibot muna sa mall. Text mo nalang ako kapag nakarating ka na."

"Sige, bye."

"Bye, ingat."

Pagkababa ko ng tawag ay umusad naman ng konti ang sasakyan. Napabuga nalang ako ng hangin dahil mukhang mamaya pa kami tuluyang makakaandar. Sumandal ako sa upuan at saka ipinikit ang mga mata. Napamulat lang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Akala ko ay si Rina ulit ito ngunit biglang umusbong ang kaba sa dibdib ko nang makita ang pangalan ni Lolo Andres sa screen.

Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag. "H-hello? Lolo?"

Naghintay ako ng sagot ngunit tanging mga hikbi lang ang naririnig ko mula sa kabilang linya. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Hello? L-lolo, ano pong nangyayari dyan?"

"M-mira... si Lolo Andres, inatake."

Nahigit ang aking hininga nang marinig ang masamang balita. Medyo may katandaan na si Lolo Andres at medyo nahihirapan na ito sa paglalakad dahilan kung bakit mas pinili nitong manatili nalang sa bahay. Di gaya noon na nagawa pa nitong magtrabaho aa farm. Kaya naman masakit para sa amin na malaman na inatake s'ya. Mahina na s'ya ngayon at baka mamaya ay lumala pa ang kalagayan n'ya.

"Kelan s'ya inatake? Alam na ba ni Papa? Dinala n'yo na ba s'ya sa ospital?" di ko na mapigilan ang sunod-sunod na tanong.

"Kaninang umaga s'ya inatake at nadala na namin s'ya sa ospital. Mabuti't naagapan dahil mabilis namin s'yang nadala. Si Sir Andrei naman ay papunta na daw dito." nakahinga ako ng maluwag nang malamang okay naman na s'ya.

Pero hindi kami dapat maging kampante. Kailangan naming patindihin ang pag-aalaga kay Lolo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mawala s'ya. Hanggang ngayon ay masakit parin para sa'kin ang pagkawala ni Nanay at ni Chase. Hindi pa ako handang mawalan ng mahal sa buhay ulit.

"Sige, paki-update nalang ako sa nangyayari dyan. Bantayan n'yo ng ayos si Lolo ha? Maraming salamat."

Pagkatapos ng tawag ay wala sa sarili akong napahawak sa tiyan ko. Maliit palang ito at di pa gaanong nahahalata pero kailangan kong maging maingat. Hindi na ako pwedeng magpabaya. Hangga't kaya kong umiwas sa disgrasya ay gagawin ko para sa anak ko. Ayoko ng may madamay pang buhay dahil sa pagiging iresponsable ko.

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay nakarating na kami sa mall. Agad kong tinext si Rina na nandito na ako. Bago ako tumuloy sa cafe namin ay nilingon ko muna ang driver.

"Kuya, eto po. Kung gusto n'yo pong bumili ng kung ano o kumain." inabutan ko ng pera ang driver dahil baka mainip ito kung babantayan lang ako. Lalo na kung nasa sasakyan lang ito.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon