Chapter Fourteen

60 39 0
                                    

Trip.

"Ana and I are going to Danjugan Island, Dad. Kanina ka pang tanong ng tanong." abala ako sa pag-iimpake at si Dad naman ay nakabantay sa'kin.

Hindi ko alam kung anong meron sakanya. Noon, wala s'yang pake kung saan ako pupunta at kung sino ang kasama ko, but now, he's starting to be like Mama. Tanong dito, tanong doon.

"Of course, Ace. I'm your Dad and I have to know your whereabouts." pinagmasdan ko s'ya habang nakakunot ang noo.

"Seriously?" nakamaang na tanong ko. "Don't bring that up, Dad. Alam n'yong hindi kayo ganyan dati."

Ngayon ang scheduled flight namin ni Ana papuntang Bacolod-Silay Airport. After that, we'll take the bus to South Ceres Bus Terminal. Honestly, mas gusto kong dalhin ang kotse ko pero we have to travel by air because Danjugal Island is located at Negros Occidental.

Magkikita na kami sa airport ni Ana and s'ya naman ang nakakaalam kung paano kami makakarating dun. I just hope na hindi kami maligaw.

"Anak, magkikita ba kayo ni M—, I mean, ni Ana sa airport?" biglang pasok ni Mama sa kwarto.

"Yeah. Aalis na ako Dad at Mama, see you in a month." dala-dala ang maleta ko ay naglakad na ako palabas ng kwarto. Sina Mama naman ay nakasunod sa'kin.

May kakaiba kay na Mama and Dad. They're both tensed and I don't know why. Dahil ba aalis ako? Pero, lagi naman akong umaalis at hindi naman sila ganun.

Pagkababa ay nadatnan ko si Summer at Yuri na nilalaro si Mavi. Kinawayan ko nalang sila at dumiretso na sa pinto.

"Byebye, Tito!" paalam ni Mavi at matamis na ngiti naman ang iginawad ko sakanya.

"Ingat, Tol."

"Bye, Kuya! Pasalubong ah."

I was about to leave nang marinig ko ang mga yabag ni Dad, hudyat na sinundan ako nito pababa ng hagdan. What again?

"Ace, hindi ka pa ba tine-text ni Ana?" tanong ni Dad and I find it weird. Kailan pa naging concerned si Dad sa mga text sa'kin ni Ana.

"Kanina pa yung huling text n'ya, Dad. I really need to go."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila. Lumabas na ako ng bahay, dala-dala ang bagahe ko at saka nag-abang ng taxi sa labas.

Habang nasa byahe ako ay biglang tumawag si Ana. Agad ko naman itong sinagot.

"Hey, nasa airport ka na ba?" bungad ko.

"U-hh, Ace. Change of plans."

"Huh?!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. Change of plans?!

"Bakit? Ano ng plano ngayon?"

Naguguluhan ako, maayos ang pag-uusap namin nung huli tapos ngayon. Kung kailan naman kaorasan oh!

"Hindi na tayo pupuntang Negros, pupunta tayo ngayon Masbate. On the way ka na ba? Naghihintay na ang sasakyan nating eroplano." napansin kong kakaiba ang tono ng pananalita n'ya pero inignora ko lamang iyon.

"Sige, on the way na ako. Hintayin mo nalang ako dyan," Medyo naghe-hesitant ako pagdating sa pagtuloy ng trip na 'to. I feel like everyone is acting weird today, maging si Ana.

Ilang minuto akong nasa byahe hanggang sa makarating na ako sa airport. Pagkababa ko palang ng taxi ay agad nang may nagtanong ng pangalan ko at inakay papunta sa kung saan?

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon