Comeback Home. (ng 2ne1) Can you come back homeeeee~ ehhhhh~
Mula sa byahe hanggang sa paglanding ay nanatili lang akong tahimik. Kahit pa hindi ako dinadalaw ng antok ay pinipilit ko ang sarili kong matulog. Pero, mabuti nalang at sa huli ay nakakatulog talaga ako.
Hindi ko nga lang inaasahan ang pagsandal ng ulo ni Mira sa balikat ko noong nasa van kami. Nagpanggap ulit akong tulog para naman hindi maging awkward para saming dalawa.
Gusto ko mang kutusan si Jeno dahil sa mga padali n'yang maglalakad kami sa ilalim ng tirik na tirik na araw ay nagawa ko paring pigilan ang sarili ko. Alam ko na 'tong ginagawa ni Jeno e. Actually, ngayon ko lang talaga napagtanto ang mga ginagawa nila. Sinusubukan nila kaming pag-ayusin ni Mira.
Kung ako ang tatanungin ay wala namang kaso sa'kin kung maging maayos kami at maging magkaibigan, pero hindi pa sa ngayon. Nang bumalik kasi si Mira sa buhay ko ngayon ay tila ba bumalik lahat ng mga sugat at sakit ko noon.
I'm sure as hell that it would take another seven years para humilom ang mga sugat na iyon. And by that time, sigurado ako na wala na akong galit sa puso. Sigurado na akong masaya na ako sa panahong yun. How I wish time would fly faster.
"Boss, sabayan mo naman kasi. Panay reklamo oh, baka ikaw lang ang kailangan n'yan." pasimpleng bulong ni Jeno habang naglalakad kami.
"Bakit hindi ikaw? Tutal, ginusto mong maglakad diba? Edi sabayan mo!" pilit kong inignora ang mga pabulong-bulong ni Jeno.
Sa buong paglalakad ko ay naka-soundtrip lang ako. Halos araw-araw ko nang naririnig ang bunganga ni Jeno. Pakiramdam ko nga ay s'ya na ang alarm ko, yung alarm na masarap patayin lalo na tuwing umaga.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mabalikan ang mga alaala namin dito ni Yuri sa Monreal. Kung paano namin pinuntahan ang isang lumang bahay na tinatawag naming haunted house, only to find out na si Mr. Dondiego pala ang nakatira dun. What a coincidence, diba?
Matapos ang mahabang lakarin ay nakarating din kami sa bahay-bakasyunan nina Jeno. Never ko pa 'tong napuntahan dahil hindi naman kami malapit sa isa't isa ni Jeno noon. Naging malapit lang kami nung nasa Manila na siya.
"Uy, boss. Tabi ka sa'kin." sinamaan ko ng tingin si Jeno na nakangisi habang naka-akbay sa'kin.
Padarag ko namang tinanggal ang braso n'ya at saka umakyat ng hagdan. "No, thanks. Baka ihian mo pa ako."
Dinig ko ang tawa ni Jeno pero hindi ko na ito pinansin pa dahil pagod na pagod na ang katawan ko. Abala ang mga babae sa paglilibot at pagluluto pero wala pa ako sa wisyong kumain. Sa ngayon, ang priority ko ay ang matulog.
Sa sobrang kagustuhan kong matulog agad ay ang pinaka-unang kwarto na agad ang pinasok ko. Pero agad din akong natigil nang makita si Mira na mahimbing na natutulog.
Lihim akong napangiti nang marinig ang mahinang paghilik n'ya. Pagod din s'ya malamang sa byahe, pagod din malamang sa kakareklamo at sa kakapatol sa mga walang kwentang chika ni Jeno.
Dahan-dahan akong lumapit sakanya at balak ko sana s'yang halikan sa noo pero natigilan ako nang maalalang wala nga pala akong karapatan. Pakiramdam ko nga ay kahit ang maging malapit lang sakanya ay bawal na, paghalik pa kaya.
Tahimik akong umatras at lumabas ng kwarto. Maingat kong isinara ang pinto at pupunta na sana sa ibang kwarto nang makasalubong ko ang nanunuksong mukha ni Jeno.
"Ay, shaka! Ang rupok ha, nahiya ka pa. Tumigil ka pa talaga, don't worry, hindi ko naman ichi-chika sa kanila. Bumalik ka na dun dali, i-kiss mo na. Bantay ako dito, promise." panay ang tulak sa'kin ni Jeno pabalik dun sa kwarto at panay naman ang panlalaban ko.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...