Chapter Two

140 102 3
                                    

Girlfriend.

"Kuya, yung bilin ko sayo ha. 4 pm ang labas nina Mavi. Wag kang magpa-late at baka kung saan-saan na naman s'ya pumunta." bilin sa'kin ni Summer habang abala s'ya sa pagpapakain kay Mavi.

Hindi parin mawala sa isip ko ang pagkikita namin ulit ni Mira. Isang linggo na ang nakalipas at pasukan na nina Mavi. Nang magkita kami sa mall ay para bang normal lang sakanya ang makipag-usap sa'kin. Parang di nang-iwan ah.

"Kuya, nakikinig ka ba?" ramdam ko ang stress sa boses ni Summer. May pasok kasi s'ya ngayon at magkalayo ang school nila ni Mavi kaya hindi ko s'ya maihahatid.

"Pagkatapos kumain ni Mavi, paliguan at bihisan mo na ha? Nakahanda na naman ang mga gamit n'ya kagabi pa, ikaw na ang bahala, Kuya."

Tumango ako at ako na ang nagpakain kay Mavi. Baka mamaya ma-late pa 'tong si Summer tapos ako pa ang panggigilan.

Tahimik lang na kumakain si Mavi habang nilalaro ang kotseng laruan n'ya habang si Summer naman ay nag-ayos ng gamit n'ya bago humalik kay Mavi para magpaalam.

"Yung mga bilin ko, Kuya—"

"Oo na, paulit-ulit ka." pabiro ko s'yang tinulak palabas ng bahay.

"Si Kuya naman e, basta ha—"

"Oo na nga, para ka ng si Mama e." putol ko ulit sa sasabihin n'ya. Masyado kasi s'yang kabado. Akala mo naman college na ang anak n'ya e Grade 1 palang naman.

Kahit na nagalit ako kay Mama noon dahil sa mga nagawa at nasabi n'ya kay Mira ay nagawa ko parin s'yang patawarin ngayon. Humingi naman s'ya ng tawad sa'kin at sinabi n'ya pa na hahanapin n'ya si Mira para sa'kin kaso hindi ako pumayag. Ano pang saysay ng paghahanap sa isang taong iniwan ka na nga?

Naging maayos din ang pagsasama nila ni Summer at nagtutulungan kami sa pag-aalaga kay Mavi. Wala lang sila ni Dad ngayon dahil nagbabakasyon pa sila. Malay mo, pagbalik nila may nakakababatang kapatid nanaman ako. Edi 27 years ang agwat namin. Parang anak ko na.

Binalikan ko na si Mavi na tapos na kumain at saka ko s'ya dinala sa banyo para paliguan. Pero nagpupumilit s'ya na kaya na n'ya. Pilit pa akong tinutulak palabas sa banyo.

"Tito, sa labas ka na! Kaya ko ng maligo." pagpupumilit n'ya pero kahit anong tulak n'ya, hindi man lang ako nadadala.

"Sus, di mo pa nga kayang kuskusin 'yang likod mo. Ako na nga, hiya ka pa. E 'yang junior mo naman sing-haba lang ng hintuturo ko." pang-aasar ko sakanya at sinamaan naman n'ya ako ng tingin.

Sa tuwing tititigan ko si Mavi ay mukha ni Yuri ang nakikita ko kaso sa kasamaang palad, ugali pa ni Summer ang nakuha. May sa-demonyo din.

"You know what, Tito? Kapag inasar mo pa ako, I'll tell mommy na may crush ka dun sa babae sa mall." pananakot n'ya at agad namang lumipad ang isip ko.

Babae sa mall? Sa dami ng babae sa mall, may naging crush pa ako? Tsaka ano ako? Bata?

"Sinong babae? E wala naman akong crush don. Pananakot mo, bulok!" binelatan ko pa s'ya pero hindi naasar ang mokong. Nginisian pa ako.

"I know you have a crush on Maggie's Mom, Tito. I saw you staring at her, yiieeee."

Nang mapagtanto ko kung sino ang tinutukoy n'ya ay agad ko s'yang binuhat papunta sa shower at binuksan ito para paliguan na s'ya. Tawa naman s'ya ng tawa at patuloy parin ang pang-aasar sa'kin. Lol, crush daw. Noon lang yun, di na ngayon.

Hinatid ko na si Mavi sa school at binilinan s'ya na wag lalabas ng gate hangga't di ako nakikita. Buti na nga lang at hindi s'ya kagaya nung ibang mga bata na umiiyak kapag iniiwan. Naaawa tuloy ako dun sa mga magulang na hindi makaalis dahil sa mga anak nila.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon