Spread-the-word.
"Grabe, kasya pa sa'kin!" masayang nagpaikot-ikot si Mira habang suot ang damit na ginawa para samin noon ni Lola Selia.
Itinabi ko kasi ito at halos lahat naman ng mga gamit na naiwan nila ni Lola Selia ay inayos ko. Regular kong pinapalinis ang buong bahay, kahit ang mga halaman ay pinapaalagaan ko at ang mga damit naman nila ay pinalalabhan ko din.
At dahil nga balak naming magpakasal ay naisip namin na yung damit na ginawa nalang din ni Lola ang suotin namin. Tutal ay pangkasal din naman yun. Ewan ko nga lang kung kasya pa ang akin.
"Maliit ka kasi. Ano ba yan? Pitong taon na pero di man lang lumaki, sino ka, si Onanay?" pang-aasar ko.
Pinaliitan ako ng mata ni Mira at saka padarag na naupo sa kama ni Lola Selia. "Sorry ha, di kasi ako maka-GMA."
"Wow, di maka-GMA pero alam kung saang channel ang Onanay."
"Bahala ka nga dyan, wag sanang magkasya sayo 'yang gawa ni Nanay." dire-diretso itong tumayo at nagtungo sa banyo para magpalit.
Ang suot ko namang tshirt ay hinubad ko na at saka ko sinuot ang damit na gawa ni Nanay. Kaso nga lang, ipapasok ko palang yung braso ko ay hindi na agad nagkasya. Maganda pa man din ang disenyo, ipapagawa ko nalang siguro 'to.
Pagkalabas ni Mira sa banyo ay agad itong napatingin sa'kin na nakasuksok parin ang isang braso sa manggas na masikip.
"Hala, bakit? Hindi kasya?" mausisa itong lumapit sa'kin at saka humagalpak ng tawa. "Omg! Nagkatotoo! The power of words! Buti nga sayo, laitero."
Binalik na ni Mira sa pagkakahanger ang damit n'ya at saka naupo sa tabi ko. "Next week na ang kasal nina Gwen, kailangan nating magpunta ng Manila. Tsaka para magtrabaho ka naman, ang tamad-tamad mo."
"Wow ha, nahiya naman ako sayo. Kanina ako na ang nagluto tapos ako din ang naghugas."
"Edi sige! Magbilangan tayo ng gagawin dito. Yan pala ang gusto mo e."
"Hay nako, oo na! Ako na lahat ang gagawa, matulog ka nalang ng matulog. Kumain ka nalang ng kumain, ako na lahat ang gagawa. Nahihiya na ako sayo." hinubad ko na ang damit at isinampay na ito.
Si Mira naman ay nanatiling nakaupo at nakatulala. Ewan ko ba sa babaeng yan. Lagi nalang tulala, baon yata sa utang.
"Alam mo, naisip ko-"
"Marunong ka pala mag-isip?" agad itong sumimangot nang putulin ko ang sasabihin n'ya.
"Ay wow, nakikisapaw. Wag na nga. Wag na magkwento."
Lumabas na ito ng kwarto ni Nanay at hula ko ay nagtungo na ito sa kwarto n'ya. Dun na kami natutulog dahil malaki naman ang kama at kasya naman kami. Isa pa, nagliligalig si Mira na baka daw puntahan s'ya ng tiktik kasi buntis s'ya. As if namang totoo ang mga yon.
Isinuot ko na ulit ang shirt ko at magtutungo na sana sa kwarto ni Mira nang makatanggap ako ng tawag mula kay Dad.
"Hello, Dad." sagot ko.
"Ace, kailan ang uwi n'yo?"
May sumilay na ngiti sa labi ko dahil sa tanong n'ya. Alam na agad na okay kami ni Mira ah. Ang bilis nga naman ng balita, lalo na't may chismosa akong kapatid. Mabuti nalang at hindi ni Summer alam na buntis si Mira dahil sigurado akong pipilitin nila kaming bumalik ng Manila. Well, pinipilit nga pala ako ni Summer.
Balak sana naming sabihin sa kanila ang tungkol sa pagbubuntis ni Mira kapag sinabi na din namin ang tungkol sa kasal. Pero for now, magandang ilihim muna namin yun. Sina Yuri palang naman ang nakakaalam na engaged kami e. Tsaka gusto ko sana na magkaayos muna si Mira at Mama para wala ng problema.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomantizmAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...