Chapter Five

120 88 0
                                    

Real Family.
Mira's POV

"Papa ko? Ano pong ibig nyong sabihin?" naguguluhang tanong ko kay Lolo Andres habang nakasakay kami sa mamahaling sasakyan na sumundo sakanya.

Sinabi n'ya na hinihintay na kami ng Papa ko. Kilala n'ya ba ang Papa ko?

"Magpahinga ka na muna, apo. Malalaman mo din ang lahat kapag nakarating na tayo don." sabi n'ya kaya naman pinilit ko ang sarili kong matulog lalo na't hindi naman talaga ako nakatulog kanina.

Ramdam ko ang paghaplos n'ya sa buhok ko hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga mata ko. Nagising nalang ako dahil sa marahang pagtawag ni Lolo Andres.

Nang iminulat ko ang mga mata ko ay nakita ko na tumigil kami sa harap ng isang fastfood restaurant.

"Kain muna tayo, apo. Alam kong gutom ka na." naunang bumaba ng sasakyan si Lolo at mabilis kong inayos ang sarili ko bago bumaba.

Kumain kami dahil medyo malayo pa ang byahe at magtatanghali na. Pagkatapos naming magpahinga ng konti ay sumakay na ulit kami sa sasakyan at nagsimula nang bumyahe.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tanungin si Lolo Andres sa kung saan ba talaga kami pupunta.

"Sa bahay ng Papa mo sa Maynila." tanging sagot n'ya at nang magtatanong ulit ako ay bigla n'ya namang pinikit ang mga mata n'ya.

Halatang gusto n'yang iwasan ang tanong ko. Kaya naman buong byahe ay sinubukan kong libangin ang sarili ko gamit ang phone ko.

Wala naman kaming number ni Ace sa isa't isa kaya naman kampante ako na hindi n'ya ako mahahanap. Alam man ni Tita Angelina ang number ko ay sigurado akong ayaw na n'ya akong mahanap pa.

Nang maalala ko ang mga masasakit na salitang binitawan n'ya sa'kin maging ang galit sa mga mata n'ya ay namuo na naman ang mga luha ko. Pilit kong pinipigilan ang pagtakas ng hikbi pero nagulat nalang ako nang may yumakap sa'kin.

"Tahan na, apo. Andito na kami ng Papa mo, hindi ka na mag-iisa at hindi ka na nila masasaktan pa." walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko at ganun din ang pagpapatahan ni Lolo sa'kin.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na naman pala ako kaya nang magising ako ay agad akong napabalikwas sa kama nang makitang nasa loob ako ng silid na hindi pamilyar sa'kin.

May liwanag pa sa labas at nang iginala ko ang paningin ko sa kwarto ay hindi ko maiwasang humanga. Kulay pink ang pintura nito at talaga nga namang napakalaki. May sarili itong TV at sofa, may walk-in closet, may aircon at marami pang iba.

Pero agad natuon ang atensyon ko sa maraming paper bags na nakalagay sa sahig. Nang binuksan ko ito ay laking gulat ko nang makitang puro mamahaling damit ito. May mga mamahaling sapatos din. Sinubukan kong suriin ang isang sapatos nang biglang bumukas ang pinto at agad kong binalik sa bag ang sapatos.

"Gising na po pala kayo, Ma'am." sabi ng isang babae na nakasuot ng pang-katulong.

Teka nga lang? Nasa kdrama ba ako?

"Ate, nasan po ako?" tanong ko.

"Nasa mansion po kayo ng mga Dondiego. Pinapasabi nga po pala ni Sir Andres na maghanda na daw po kayo kasi pauwi na si Sir Andrei."

So, Dondiego pala ang apelyido ni Lolo Andres? Anak n'ya siguro yung si Sir Andrei na tinutukoy n'yang kauuwi lang sa abroad.

"Teka lang, kailangan ko ba talagang maghanda?" tanong ko ulit kay Ate at tumango naman s'ya.

Matapos kong maligo at magbihis, nandito kami ngayon ni Ate Rica sa silid at inaayos n'ya ang buhok ko. Hindi ko parin ma-gets kung bakit kailangan kong mag-ayos. Siguro papalayasin ako dito ni Sir Andrei kapag pangit ang itsura ko.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon