Wake up.
"Gala tayo after work." yaya ni Jeno.
Since, balik trabaho ako, balik tambay ulit ang isang 'to sa opisina ko. Palibhasa single na.
Tinapos ko na lahat ng kailangan kong tapusin at hinanda ko na din ang resignation letter ko. Pero, di ko pa sure kung kelan ba talaga ako aalis. Kakausapin ko pa si Mira na baka pwedeng dito muna kami sa Manila for 1 year hanggang sa maipaayos namin ang bahay at ang lahat.
"Ayoko nga, puro ka nalang gala. Ipunin mo nalang 'yang pera mo."
"Para saan pa ang ipon kung wala lang din namang pagtutuunan."
Napairap nalang ako. Problemado parin ang isang 'to. Kasi naman e, may lovelife na, sinayang pa.
Napasulyap ako sa orasan at nakita kong malapit na ang uwian. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Mira. Susunduin ko s'ya sa Mall tsaka malapit na rin ang pagpapa-checkup n'ya.
Nagreply si Mira ng nasa office s'ya at um-oo naman ako. Sunod naman na nagtext sa'kin ay si Summer na tinatanong ako kung pwede ko bang sunduin si Mavi.
"Ang gawin mo, balikan mo si Leslie tapos sakanya mo ubusin ipon mo." sabi ko kay Jeno bago tumalikod at tinawagan si Summer.
Nakailang ring ito bago n'ya sinagot. "Hello, Kuya? Nasa klase pa ako e."
"Tawagan ko nalang yung bagong driver natin. Kasama s'ya ni Mira sa Mall e pero ako na ang susundo sakanya kaya kay Mavi na yung driver."
"Sige, Kuya. Bye na, may klase pa ako."
"Sige."
Pagkababa ng linya ay nakaupo parin sa tapat ng mesa ko si Jeno.
"Ano? Wala ka paring balak na gumalaw? Paano naman yung trabaho mo?"
Napakamot nalang si Jeno sa batok. Alam kong nahihirapan s'ya ngayon magtrabaho lalo na't pareho sila ng department ni Leslie.
Nagtataka nga ako e, kaibigan ni Mira si Leslie noon pa. At ang pagkakaalam ko ay culinary si Leslie nung senior high, nag-switch lang daw ito ng course nung college na. Hindi naman nasabi sa'kin ni Mira kung bakit. Pakiramdam ko ay may hindi tama doon.
"Di ba culinary si Leslie noon? Ba't daw s'ya nag-switch?" kuryosong tanong ko kay Jeno at mukha naman itong nagulat sa tanong ko.
"Ewan ko."
Tinaasan ko ito ng kilay at nagkibit lang ito ng balikat. "Di ako kasing chismoso mo."
Bahagya akong natawa sa sinabi n'ya at saka umupo sa mesa ko. Nang maalala ko ng driver ay itetext ko na sana ito nang makatanggap ako ng text mula dito na s'yang nagpakabog ng dibdib ko.
'Boss, nasusunog ang mall.'
Natataranta akong tumayo at agad na kinuha ang susi ng kotse ko. Dinig ko ang tawag ni Jeno mula sa likod ko ngunit inignora ko ito.
Kumakabog ang dibdib ko at panay ang dasal ko sa Diyos na sana ay ayos lang si Mira. Pinagpipindot ko ang elevator pero nang mainip sa kabagalan nito ay naghagdanan nalang ako.
Pawisan na ako nang makarating ako sa parking at nagmamadaling sumakay sa kotse ko. Pilit kong pinapakalma ng sarili ko dahil walang maidudulot na maganda ang panic sa'kin.
Panay ang pagtunog ng phone ko pero inignora ko ang lahat ng ito. Mabilis kong pinaandar ang kotse patungo sa mall.
Lumitaw sa screen ng phone ko ang pangalan ni Summer at kahanga-hangang nagawa ko pa itong sagutin.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...