Hogwarts.
Mira's POV
"I think, pink is much better than red. Don't you think?"
"No, red is better. Pink is too girly."
"Exactly, it's girly. Nakabili na kayo ng blue, pink naman na. What if it's a girl?"
"Red is for girls, too."
"Ah basta, I like pink."
Nakamaang nalang kami ni Ace habang pinapanood sina Mama at Papa Sun na mag-away tungkol sa kung anong kulay ng damit ang bibilihin para sa future baby namin.
Sinabi namin sa kanila na kaya naman naming mamili ng kami lang but, they insisted. Sa katunayan nga ay mas marami pa silang napili keysa samin. Pero, okay lang.
Hindi naman ito ang first time namin ni Ace na mamili ng gamit ng mga baby dahil inalagaan ko noon si Maggie habang ang sa kanya naman ay si Mavi. Pero wala namang problema kung hihingi parin kami ng advice kay na Mama. Nga lang ay, di pa sila tapos magdebate.
"Why don't we ask Ace and Mira?" suhestiyon ni Papa at sabay silang nagawi samin ni Ace na nakaupo lang sa bench.
"Which one do you prefer? Pink or red?"
"I prefer red, pero bahala si Mira." sagot ni Ace at nagkibit balikat.
Sabay tuloy na lumipat sa'kin ang mga nananantyang mata nina Mama. Naghahanap ng kakampi ang dalawa.
"Umm.. I prefer red, too." sagot ko.
"Yes!" Papa Sun cheered. "Told 'ya, sa'kin sila kampi."
"Hmp! Well then, let's wait for Andrei. I'm sure, pink ang pipiliin n'ya." confident na sabi ni Mama and as if on cue, Papa arrived.
"Hey, mga balae. Tama ba?" tanong pa nito bago tinapik sa balikat si Papa Sun at niyakap si Mama.
"Yeah right, balae."
"Kamusta na kayo ng soon-to-be apo ko?" humalik ako sa pisngi n'ya at masuyo n'yang hinaplos ang tiyan ko na malaki na. Saka naman nito tinanguan si Ace.
"Ayos naman, Papa. Naghihintay nalang." masayang sabi ko.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may nabubuhay na sanggol sa loob ng sinapupunan ko. I can't help but admire God for His intelligence. Parang isang himala ang nangyayari sa'kin ngayon.
Araw-araw akong nagpapasalamat dahil sa pamilya na meron ako ngayon. I can't help but cry kapag nararamdaman kong sumisipa ang anak ko sa loob. At dumagdag pa sa saya ko si Ace sa tuwing hinahalikan n'ya ang tiyan ko. He's so excited, I can tell.
Sa ngayon ay nasa bahay kami nina Papa Sun naninirahan. Maging si Papa at Maggie ay dun din nakatira. Hiling ito samin nina Mama lalo na't bumukod na rin sina Summer. Paminsan-minsan naman ay bumibisita ang mga ito pero syempre, sinusulit nila ang isa't isa at naiintindihan naman namin.
Ace told me that his friend, Damien Borromeo, ang in-charge sa pinare-renovate na bahay sa Masbate. Hindi pa nga lang tapos kaya sa kanila muna kami nakatira dito sa Manila. Kaya naman hula ko ay dito na rin ako manganganak. Hindi na ako makapaghintay.
"I prefer the pink kasi paano nga naman kung babae?" hirit ni Papa Andrei na agad namang kinontra ni Papa Sun.
"Here we go again with the stereotyping. Pink is not just for girls, okay?"
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...