Chapter Eleven

73 48 0
                                    

He's Back.

Tatlong araw na ang nakalipas mula nang isinugod ko si Whisky sa vet clinic. Tatlong araw na din ang nakalipas mula nang sigawan ko si Mira at hindi na s'ya nagawi pa dito sa shelter.

'Malamang, pagbawalan mo ba naman!' anang ng isip ko.

Sa totoo lang ay nagui-guilty ako dahil alam ko namang hindi n'ya sinasadya. Masyado lang akong nagpadala sa galit na nararamdaman ko. Hindi na natuloy pa ang dinner na dapat ay gaganapin sa bahay nila.

Alam nina Dad ang nangyari kaya naman hindi na nila pinilit pa ang dinner. Dalawang araw na lang akong mananatili dito at pagkatapos ay babalik na ako sa Manila. Pinag-iisipan ko pa kung dadalhin ko ba si Whisky.

May unit naman ako pero bakante na yun, balak ko na ngang ipagbenta. Ayoko namang iburo dun si Whisky lalo na't sa bahay namin ako umuuwi dahil kailangan ako ni Mavi. Pero kung si Whisky naman ang dadalhin ko sa bahay ay maa-allergy naman si Summer.

"Whisky, sama ka ba sa'kin sa Manila?" tanong ko kay Whisky na nakahiga sa tabi ko.

Agad itong humarap sa'kin at tumahol. Napangiti naman ako dahil maayos na ang lagay n'ya. Masigla na ulit s'ya at sisiguraduhin kong hindi na mauulit pa ang nangyari sakanya.

"Kausapin ko muna si Tita Summer mo tapos kapag okay sakanya, edi dun tayo sa bahay. Kagatin mo lahat ng sapatos n'ya." natatawang sabi ko at pumasok ako sa shelter para kunin ang phone ko.

Pero pagkapasok ko palang sa kwarto ay dinig na dinig ko na ang pagtunog nito. Sakto namang si Summer ang tumatawag kaya sinagot ko na ito.

"Oh, bakit? Tatawagan palang dapat kita ah. Kamusta si Mavi?" tanong ko.

Dinig ko ang mabilis na paghinga ni Summer mula sa kabilang linya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-alala.

"Summer, bakit? Anong problema?! Hoy, sumagot ka." natataranta na ako pero hindi man lang s'ya nagsasalita.

"Summer! Ano? Umimik ka nga—"

"Nandito si Yuri, Kuya. Gusto n'yang makita si Mavi."

Para akong tinakasan ng dugo sa narinig ko pero nang makabawi ay agad na nangibabaw ang galit sa sistema ko. Ilang taon ng malaya si Yuri tapos ngayon n'ya lang naisipang tingnan si Mavi?

"Uuwi ako dyan." tanging sabi ko bago ko binaba ang linya.

Inayos ko na agad ang mga damit ko at dali-daling bumaba. Agad akong nagtungo sa kotse ko at pinasok doon ang gamit ko. Magpapaalam na sana ako sa mga rescuers nang biglang tumakbo papalapit sa'kin si Whisky.

"Baby, may emergency si Daddy. Next time nalang kita isasama ha?" mahinahong sabi ko bago pinatakan ng halik sa noo si Whisky at sumakay sa kotse.

Binuhay ko na ang makina pero hindi parin umaalis si Whisky sa tabi ng pinto ko. Sinilip ko s'ya sa bintana at ganon nalang ang gulat ko nang makitang may kagat-kagat s'ya.

Agad akong lumabas ng kotse upang tingnan ang dala n'ya.

"Shit." malutong na mura ko nang makitang may dala s'yang tuta. "Whisky, ano ba yan? Iwanan mo na 'yang tuta don."

Nanatiling nakatitig si Whisky sa'kin at tila ba nagpapaawa ang mga mata. Naririnig ko ang mahinang iyak ng tuta pero alam ko namang hindi ito kayang saktan ni Whisky. Ewan ko ba sa asong 'to, gusto pa yatang dalhin ko ang tuta.

Sakto namang lumapit samin si Karina para kunin ang tuta na dala ni Whisky. Pero nagalit ito at nilalayo ang tuta.

"Naku, Whisky ha. Patay ka kay Mama Purple n'yan, itatakas mo pa ang anak n'ya ha." si Karina at natawa naman ako kay Whisky. Talagang nagawa pa nitong mangidnap.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon