Cremated.
Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong basa sa mukha ko. Pagkamulat ko palang mata ko ay agad kong nasapo ang ulo ko sa sobrang sakit. Napasobra na naman yata ang inom ko.
Umupo ako at agad na namataan si Whisky na todo ang paninitig sa'kin. Luminga ako sa paligid at nasa loob parin kami ng tent. Akmang bubuksan ko ang zipper ng tent nang may maamoy akong mapanghi.
Dali-dali kong binuksan ang tent at nang madaanan ako ng hangin ay agad na umalingasaw ang mapanghing amoy.
Pagka-kapa ko sa suot kong puting shirt ay basa ito ay may kulay pang dilaw. Dahan-dahan ko itong inamoy at halos umikot ulit ang paningin ko dahil sa sobrang panghi.
Sinamaan ko ng tingin si Whisky at agad naman itong nagbaba ng tingin.
'Halatang guilty si Pandak.'
Bumuga ako ng hangin at saka maingat na hinubad ang shirt na suot. Iniingatan kong wag mapunta sa mukha ko yung parte na may ihi.
'Wala ka agad disiplina, Whisky. Nawala lang ako sa loob ng maikling panahon.'
Inis kong tinupi ang shirt para hindi ko mahawakan yung may ihi at saka nagmamadaling bumalik sa shelter. Buti nalang pala at dito dinala ang mga damit ko at hindi sa bahay. Kung hindi, baka umuwi akong walang pang-itaas.
Halos maghimutok ako sa inis nang makarating sa shelter. Si Whisky naman ay panay ang sunod sa'kin. Ang mga baby ko na sumalubong sa'kin ay isa-isa kong nilambing maliban sa isang pilyong aso na nagawa pa akong ihian sa damit.
"Oh, Sir! Umagang-umaga, may pabilad agad ha." pang-aasar ng mga rescuer pero dahil masama ang gising ko ay inignora ko lang sila.
Diretso ang pasok ko sa loob ng shelter pero agad ding natigil nang tatlong pares nang mga mata ang sumalubong sa'kin. Ang isang pares ay agad nag-iwas ng tingin habang ang dalawang pares naman ay mariin akong tinitigan bago humagalpak sa tawa.
'Shit, nakalimutan kong nandito nga pala si Mira. Ba't ko ba kasi nakalimutan na nasa tabing-dagat din s'ya kagabi?'
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na pinagtatawanan ako ng dalawang ama at idagdag mo pa ang pagkulbit ng asong bastos sa binti ko.
"What happened to you, Ace? Hindi ka na naman daw umuwi kagabi tapos ngayon, uuwi ka dito ng walang pang-itaas." natatawa paring sabi ni Dad at tanging irap lang ang naisukli ko.
"As far as I can recall, mababa ang crime rate dito sa Masbate, lalo na ang rape. Pero, hindi tayo sigurado doon. Sigurado ka ba, hijo, na hindi ka nabiktima?" seryosong tanong ni Mr. Dondiego pero tanaw ko ang panunukso sa mga mata n'ya.
"Nabasa lang ako." tanging sagot ko bago nagmamadaling umakyat sa taas.
Hanggang sa maisara ko ang pinto ng isa sa mga kwartong tinutuluyan ko ay dinig ko parin ang tawanan nila sa baba.
Si Mira naman ay wala lang imik at nakatungo lang. Gusto ko mang alamin ang dahilan ng pag-iyak n'ya kagabi ay pilit kong sinasaksak sa utak ko na wala akong pake. Kung ano man ang dahilan n'ya, wala na akong pakialam dun. Tutal, wala din naman s'yang pake sa nararamdaman ko.
Dumiretso agad ako sa banyo para maligo at para labahan ang damit kong inihian ng mabait na si Whisky. Lagot sa'kin ang matabang yon mamaya.
Nagbibihis ako nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong sinagot nang makitang si Ana ang tumatawag.
"Ano?" bungad ko.
"Oh? Mainit ang ulo? Umagang-umaga ah." biro n'ya mula sa kabilang linya. "Btw, you're in Masbate, right?"
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...