Chapter Thirteen

67 41 4
                                    

Moving on?

"Wala ka man ngayon sa aking piling
Nasasaktan man ang puso't damdamin
Muli't muli sa 'yo na aaminin
Ika'y mahal pa rin." kulang na lang ay hampasin ko ng bote ng alak 'tong si Jeno.

Favorite song yata nito itong kanta ni Jovit. Seven years ago, 'yan din ang kinakanta n'ya sa videoke tapos ngayon naman. Nasapo ko nalang ang noo ko.

Nandito kami ngayon sa inuman nina Aling Bebang. Gusto ko nga sa bar e, kaso itong si Yuri, mas gusto dito kay na Aling Bebang para daw makauwi s'ya agad. Di naman kasi namin s'ya niyayaya nakikisali-sali.

"Jeno, nakakahiya ka." nakatakip na ang mga kamay ni Yuri sa mukha n'ya dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Sa totoo lang, parang karinderya lang naman talaga 'tong kay Aling Bebang e. Maraming mga lamesa't upuan, maraming mga pagkain at may videoke pa. Pero, kapag kasi gabi ay nagbebenta na din sila ng mga alak.

Ewan ko ba kung paano 'to nahanap ni Yuri. Dito siguro madalas tumatambay si Yuri, kaclose si Aling Bebang e.

"At kung sakali na muling magkita
At madama na mayro'n pang pag-asa
Hindi na natin dapat pang dayain
Hayaan natin puso ang magpasya" nakapikit at feel na feel pang pagkanta ni Jeno.

Wala naman talaga akong balak na magpaka-wasted at broken dito kaso itong si Jeno, mapilit. Kailangan ko daw magpaka-lasing para daw Kdrama feels.

Tapos eto namang si Yuri, nakikisama. Dito nalang daw kay na Aling Bebang kasi daw baka pauwiin na s'ya agad ni Summer.

Pero, kahit na siraulo ang mga 'to, masaya ako na nandito sila ngayon. Hindi naman ako totally broken e, medyo nasaktan lang ako sa sinabi n'ya. Akala ko kasi noon pareho kami ng nararamdaman, one-sided lang pala.

Nung gabing yon, tumawag sa'kin si Ana at niyayaya akong magbakasyon. Masyado na daw kasi s'yang stress sa trabaho at kailangan ng pahinga. Iniisip ko nga kung sasama ba ako o hindi. Pero, wala din naman ako masyadong trabaho. Sumama nalang kaya ako.

"Niyaya ako ni Ana na magbakasyon, ano sa tingin mo? Dapat ba akong sumama?" tanong ko kay Yuri dahil si Jeno ay abala pa sa pagkanta.

Kumakanta pa pero nag-iinsert na agad ng panibago. Sakim ang lintek, hindi na makakanta yung iba.

"Sinong Ana? Girlfriend?"

"Magmumukmok ba ako ng ganito kung may girlfriend ako?" natatawang sabi ko at nakisabay naman s'ya.

Bumuntong-hininga s'ya bago umakbay sa'kin. "Na sayo naman ang desisyon, pero ang sa'kin? Kailangan mo ding magbakasyon, baka dun ka pa makapag-moveon."

Natapos ang inuman namin at umuwi na kami. Si Jeno ay sinama ko na sa unit ko dahil lasing na lasing na, si Yuri naman ay umuwi samin at hinahanap na daw ni Summer. Mukhang okay na ang dalawang yon.

Dinala ko nalang si Jeno sa guest room at saka ako nagtungo sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama at tiningnan ang phone ko.

May ilang missed calls galing kay Summer, malamang ay hinahanap nga n'ya si Yuri. May ilan namang galing kay Dad at ang nakapagpakaba sa'kin ay ang text galing kay Mr. Dondiego.

Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba o hindi. Pero mas nanaig ang kagustuhan kong mabasa ito.

Mr. Dondiego

       - Gusto ko lang sanang tanungin kung nag-away ba kayo ni Mira?

Paulit-ulit kong binabasa ang text n'ya dahil baka namamalik-mata lang ako. Medyo may tama na din ako at baka mamaya ay imahinasyon ko lang pala 'to.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon