Chocolate.
"Kailangan ko pa bang ipaalala sayo na ayaw ko sa mga aso?" mataray na tanong ni Ana habang nakaupo sa backseat katabi si Whisky.
Si Mira naman ay nakahalukip lang sa passenger seat at nakatanaw sa bintana. Mukhang balewala sakanya ang kanina pang tumatalak na bibig ni Ana. Sabagay, mas grabe naman kasi kung tumalak yung sa kanya.
"Kailangan ko pa din bang ipaalala sayo na ikaw ang may gustong magpasundo at guess what? Sa shelter ako tumutuloy ngayon and we're heading there now." kaswal na sabi ko habang nagmamaneho.
Sumusulyap ako paminsan-minsan kay Mira na s'yang may hawak nung plastic na pinaglalagyan ng barbecue at hotdog. Hindi n'ya ito kinakain, nakalapag lang ito sa hita n'ya. Hindi na siguro yun mainit.
"What the?! Are you freaking serious?" di makapaniwalang tanong ni Ana.
Tiningnan ko s'ya mula sa rearview mirror at halos lumuwa ang mata n'ya sa gulat. Bahagya pang nakaawang ang bibig.
She really hate dogs. Paano kasi, nung mga bata pa kami, hinabol s'ya noon ng aso at nakagat. She's traumarized before pero okay naman na s'ya ngayon. But she still can't stand dogs.
"I'm serious, Ana. Doon ako tumutuloy, hindi na ako masyado umuuwi pa sa bahay namin." paliwanag ko.
"Oh no, no, no. Dalhin mo'ko sa bahay n'yo, I don't want to stay at the shelter. Baka mamaya kagatin pa ako ng mga alaga mo."
"Hoy, hindi nangangagat ang mga baby ko ha. Mababait sila." depensa ko. "Except dyan sa katabi mo."
Biro ko at agad naman s'yang dumistansya kay Whisky. Kulang nalang ay ipagsiksikan n'ya ang sarili n'ya sa bintana. Napatawa nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Naawa naman ako sa kanya so, binaba ko s'ya sa bahay namin.
"I'm gonna stay in your room, okay?" sabi n'ya habang tinatanggal ang suot na seatbelt.
"Ge, paki-labahan na din ng mga damit ko." pahabol ko sakanya nang makalabas na s'ya ng kotse.
"You wish!" sigaw n'ya bago dumiretso sa mga katulong namin na sumalubong sakanya.
Binilin ko naman na s'ya at kilala naman s'ya ni Kuya Edward, pati na rin ni Papa.
"Okay, Whisky. We're going home." binuksan ko na ang makina ng sasakyan at saka pinaandar ang kotse palabas ng gate nang biglang nagsalita si Mira.
"Hinahayaan mo s'yang mag-stay sa kwarto mo?" napabaling ako sa kanya dahil sa wakas ay nagsalita na s'ya.
"Oo, lagi naman yung ganun. Nung nasa abroad kami, madalas din yung nakikitulog sa kwarto ko." sagot ko. "Bakit?"
Nagkibit-balikat s'ya bago umimik. "I just think it's inappropriate for a girl to sleep in a guy's room." may kakaibang emosyon akong nakita sa mukha n'ya pero sinawalang bahala ko lang ito.
Imposible naman ang iniisip ko na nagseselos s'ya dahil wala naman s'yang pake. Kahit nga siguro kung sino-sino ang dalhin ko sa kwarto ko ay balewala lang sakanya.
"I don't think it's inappropriate." anang ko habang nagmamaneho. "Ana and I are close friends. Bestfriends to be exact. Sanay na kami sa ganun at wala namang malisya. Kaibigan lang ang turing namin sa isa't isa."
Hindi na si Mira nagsalita pa at naging tahimik lang kami buong byahe. Si Whisky naman ay natutulog na sa likod. Nang makarating kami sa shelter ay dali-daling kinalas ni Mira ang seatbelt n'ya bago bumaba.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
Любовные романыAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...