Chapter Twenty-Nine

29 11 1
                                    

Ferris Wheel.

Patuloy kaming ginagabayan ng mga staff nang may maalala ako.


"Ay, teka lang. Hindi pa kami nagbabayad ng entrance." bigla akong napatigil sa paglalakad at akmang huhubarin ang blindfold nang pigilan ako ng staff.


"Okay na po, Sir. Bayad na po."


"Huh? Bayad na nino?"


"Ni Mommy at Daddy, Tito. They told me na pwede akong mag-play dito basta kasama ka. They feel sorry kasi hindi ako kasama sa honeymoon nila e." sagot naman ni Mavi at naintindihan ko naman s'ya.


Malamang ay ginawa ito nina Summer dahil mula nang dumating si Yuri ay lagi nang nakadikit sakanya si Mavi. Siguradong hahanapin sila nito kaya siguro pinayagan na nilang pumunta dito sa amusement park.

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakapagtataka nga lang kasi may masayang kanta na tumutugtog pero parang wala akong naririnig na mga rides. Kahit sigaw man lang, ang tapang naman nila.

"We're  here na po, Sir."

Tumigil na kami sa paglalakad at nang tanggalin ko ang blindfold ko ay halos malagutan ako ng hininga. Sa may harap mismo ng ferris wheel ay may maliit na altar na napapalibutan ng mga bulaklak at ganoon nalang ang gulat ko nang makita ang mga bisita.

Lahat sila ay nakatingin sa'kin at bigla nalang may tumugtog at may kumanta. Ngunit ang isip ko ay nasa mga kotse sa labas.

'So, kanilang kotse yung nasa labas?'

I never dreamed
Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing
And I could swear
Love was just a game that children play
And no more than a game

"Walk now, bride!" sigaw ni Jeno at nagtawanan ang mga bisita.

Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day

"Teka lang naman, dinadama ko pa yung kanta." natatawang sabi ko.

Nagbaba ako ng tingin sa suot ko at namangha ako nang makitang ito ang damit na ginawa ni Nanay Selia sa'kin. Ito naman talaga ang suot ko sa kasal namin pero sabi kasi nung staff, costume daw e. Costume pala ha.

Sa altar ay naghihintay si Mira, suot-suot ang damit na ginawa din ni Nanay Selia. Ikakasal na ba talaga kami?

I believe you
I believe in every word when you say:
"I love you all the way"
Now I can swear
Love is not a game that children play
So tell me that you'll stay

Ramdam ko ang pagtulak sa'kin ni Mavi at laking gulat ko nang makitang nakabihis din ito. Ang galing naman talagang mang-uto ng batang 'to. Mga ipapasyal daw oh.


Dahan-dahan akong naglakad habang sinasabuyan ako ng bulaklak ni Yuri at Jeno. Sobra-sobra na yung mga bulaklak, nakakain ko na ang iba.


"Ano ba!" saway ko sa mga ito pero tinawanan lang ako ng mga loko. "Teka, pwede ba 'to? Di ba dapat yung bride ang naglalakad?"



"Sorry, batugan ka e. Kaya nauna na ako." sagot ni Mira mula sa altar.


Till I met you
I never knew what love was
Till I met you
This feeling seems to grow more every day
I love you more each day


Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon