Chapter Sixteen

63 35 2
                                    

Chase.

Mira's POV

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nasa byahe kami. Pagkagising ko ay nakasandal na ako kay Ace, mabuti nalang at tulog pa s'ya kung hindi, talagang nakakahiya. Panay ang dasal ko sa Diyos na sana ay hindi kami nakita ni Jeno dahil baka mamaya ay kung ano na naman ang sabihin ng mokong na yun.

"Asan tayo?" tanong ko kay Rina nang makababa kami sa van.

"Welcome to Monreal!" sigaw ni Rina habang nakaturo dun sa sign.

"Alam ko, pero ang ibig sabihin ko ay san tayo pupunta? Akala ko ba magpe-prepare tayo para sa kasal ni Gwen?"

Biglang umakbay sa'kin si Gwen at bumulong. "No, we're not. We're here for a vacation! I-eenjoy ko muna ang pagiging single."

"Ay, day. Hindi ka single." si Bea.

Naalala ko nun kung paano nakasama si Bea dito samantalang kakapanganak n'ya lang. Ang sabi n'ya ay okay naman na daw at hindi naman kami magtatagal dito. Mabuti nalang at pumayag ang asawa n'ya na sumama s'ya samin.

"Hindi single pero ready-to-mingle." anang ni Leslie.

Umusbong ang saya sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay bumalik kami sa pagiging mga estudyante. Lagi kaming magkakasamang apat at laging naghahanap ng mga gwapo sa school.

Hanggang ngayon ay hindi ko akalain na magiging buo parin kami hanggang ngayon. Samantalang, halos isang taon ko sila nung hindi kinontact dahil sa pagiging depress ko. Kaya naman laking pasasalamat ko nang biniyaya sila sa'kin ni Lord.

"Okay, dahil hanggang dito lang ang van...... maglalakad na tayo." biglang singit ni Jeno na likod at nagtataka ko naman s'yang tiningnan.

"Maglalakad? E para san pa yung van?"

"Hindi naman atin yun e, pinara lang kanina. Ayaw mo nun, may thrill pag naglalakad tayo. Pwede ring HHWW."

Habang naglalakad kami papunta sa lugar na hindi ko alam ay panay ang reklamo ko. Nakakapagod na tapos tirik na tirik pa ang araw. Asan ang thrill dito? May thrill dito kung madaling araw palang eh ang kaso, tanghaling tapat na. Nagugutom na ako.

"Malayo pa ba tayo?" hinihingal na tanong ko. Nakaka-drain ng energy. Kakagaling lang namin sa byahe tapos lakad agad?

"Alam mo, ikaw Mira, kanina ka pang reklamo ng reklamo dyan. Exercise 'to, gurl." anang ni Rina.

"Exercise? More like, torture." naaawa na ako sa paa ko. Pakiramdam ko paltos na sila. Pag ako talaga napilay, gagabutan ko 'tong si Jeno e. Tutal, mahilig s'ya sa thrill.

"Ngalay ka na, Mira?" tanong ni Jeno.

"Sobra! Pagod na pagod na ako, malayo pa ba tayo?"

Ngumisi si Jeno bago sumagot. "Malapit na hehe. Leslie, angkas ka sa'kin?"

At yun na nga ang nangyari, may pa-piggy back ride pang nalalaman ang luko. Pasimple pa itong lumapit sa'kin at bumulong.

"Inggit ka? Angkas ka dun sa isa, lonely oh." nginuso n'ya si Ace na tahimik lang na nakasunod samin and as usual, nakasalampak na naman ang earphones sa tainga.

Tanging irap lang ginawad ko kay Jeno at binilisan ang paglalakad. At awa ng Diyos, nakarating kami sa tutuluyan namin.

Tutuloy kami sa isang malaking bahay at ang sabi ni Jeno ay pagmamay-ari daw ng Lola n'ya. Hindi ko alam na may ganito pala sila, edi sana hindi nalang sila lumipat ng Manila.

Ginoo (Lorn Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon