Alaws.com
"Kuya, are you sure na tama 'tong pinupuntahan natin? Kasi kung mali—"
"Kung mali, ititigil namin 'tong sasakyan at bababa ka na kasi kanina ka pang reklamo ng reklamo." putol ko sa sasabihin ni Summer.
Kanina pa s'yang reklamo ng reklamo pagkasakay palang namin sa van, puro bunganga na n'ya ang naririnig ko.
Nagmamaneho ako ngayon ng van at ang mga pasahero ko ay ang tulog na si Mira sa tabi ko, kumakain na si Jeno, nagsa-soundtrip na si Leslie, si Yuri na tulala, si Gwen na ka-videocall ang soon-to-be-husband n'ya, si Bea na nanonood ng Cocomelon, si Rina na umiiyak sa Kdrama at si Summer na rumeklamo na ng rumeklamo.
Niyaya ko kasi sila dun sa Halea Nature Park. Di pa ako nakakapunta don pero sinearch ko kasi ito sa internet at maganda dun. Napaka-linis ng tubig, napaka-payapa at pwedeng lunurin si Summer para matigil na ang bunganga.
"Pag naligaw tayo, Kuya, ikaw pasimuno neto."
"Pag naligaw tayo, iiwan ka namin dito sa gitna ng daan hanggang sa mahanap ka nung nasa wrong turn."
"Kuya, you're so mean."
"Kuya, you're so mean~" panggagaya ko at lalo lang s'yang nairita.
"Yuri, si Kuya nga oh." kinulbit nito si Yuri na kanina pang tulala. Gulat na gulat naman ang gago.
"Ha? Bakit? Nandito na tayo?" naguguluhang tanong ni Yuri at napatawa naman ako. Mas lalo lang tuloy nairita si Summer. Sumbong pa more, magsusumbong na nga lang, sa sabog pa.
"Ewan ko sa inyo, magsama kayo ni Kuya." pinagkrus ni Summer ang mga braso sa dibdib at saka nakasimangot na tumanaw sa bintana.
"Ewan ko sa inyo, magsama kayo ni Kuya~"
"Ugh! Nakakairita ka, Kuya!"
"Ugh, kairita! Gusto mo? Luh! Asa ka!" kita ko ang pag-irap ni Summer sa salamin at tutuksuhin ko pa sana s'ya nang magsalita si Mira.
"Isa pang imik mong lintek ka, ipupukpok ko 'yang ulo mo sa manibela. Kanina pa 'yang bunganga mo." kalmado ang boses n'ya pero nakakatakot parin.
Natikom ko ang bibig ko at saka binelatan si Summer sa salamin. Pinakyuhan ako ni Luka. Patay yan sa'kin mamaya, susumbong ko yan kay na Dad at Mama.
Ilang minuto pa akong nagmaneho at sa wakas ay narating na din namin ang hotel na pupuntahan namin. May susundo kasing boat samin sa San Fernando and it will take us on an island hopping excursion around the whole of Ticao Island. Astig diba?
Astig nga sana kung hindi lang tahimik ang mga kasama namin sa van. Weird kasi tikom ngayon ang bunganga ni Jeno and guess what? Hindi s'ya nakadikit kay Leslie. Samantalang daig pa ng linta kung makakapit ang lalaking yan. LQ siguro.
Hindi ko alam kung bakit tulala ngayon si Yuri, kulang ata sa tulog o kulang sa brain cells. Bahala na, pareho namang weird ang dalawang yan. Basta ako, kasama ko ang fiancé ko ,yieeeee. Kaso nga lang, tulog.
"Oh, baba na! Baba na!" mala-konduktor kong sigaw at nagsibabaan naman sila.
Syempre, hindi nakatakas sa'kin ang pinagpalang bunganga ni Summer at ang napaka-inspiring n'yang komento.
"What the hell? Why are we here?"
"What the hell? Why are we here~"
"Kuya! You're so annoying." pumapadyak pa ito at saka nagtungo sa likod ng kotse upang kunin ang gamit n'ya.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
Lãng mạnAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...