20 years ago.
Tahimik lang kaming naninirahan sa Masbate. I'm 7 years old at that time while Summer, my sister, is only 2 years old. Madalas wala si Dad dahil inaasikaso n'ya ang business n'ya sa Manila.
We have a flower farm at Masbate pero hindi lang naman yun ang business namin. We have malls, too. And syempre, wala rin akong interes dun.
And now, naka-graduate na ako ng college at kasalukuyang nagtatrabaho sa kompanya namin bilang isang security analyst. It took me a lot of years para maabot ang posisyon na yun. It requires 5 or more years of experience kasi.
Nagtapos ako ng college sa Manila. Nang mabuntis si Summer, hindi na ako bumalik pa sa abroad. My sister needs me, lalo na't iniwan lang s'ya ng gagong Yuri na yun!
Naalala ko pa noong 7 years old ako. I met Yuri once at palagi s'yang nandun sa mga baka nila. But we became playmates. He's always the silent one tapos ako 'tong loko-loko saming dalawa.
Niyaya ko sya noon na pumunta sa isang malaking bahay doon sa may Monreal. Pinalilibutan ito ng mga puno at mukhang lumang mansyon. Ilang beses na kaming nagpustahan ni Yuri na pumasok sa loob noon. Mukha naman kasing walang nakatira.
Pero isang araw, naisipan kong pumunta dun mag-isa. Wala si Yuri at tinatamad daw lumabas. Tanghaling tapat na nang pumunta ako sa lumang mansyon na yun sa Monreal. Makalawang na ang gate at hindi naman nakasara.
Nang makapasok ako ay agad akong dumiretso sa loob ng mansyon. Napaawang ang bibig ko habang tinitingala ang naglalakihang chandelier. May malaking hagdan sa gitna at may mga mamahaling muwebles.
Aakyat na sana ako sa taas nang biglang may tumapik sa likuran ko. Napasigaw ako sa gulat at agad kinabahan nang makita ang isang lalaking sa tingin ko ay kasing edad ni Dad. May hawak itong bote ng alak at mukhang lasing.
"Hoy, bata. Anong ginagawa mo dito?" amoy na amoy ko sakanya ang alak.
"Naglilibot lang po." kinakabahang sagot ko at natawa naman s'ya.
"Naglilibot? Bata, hindi 'to amusement park! Sa social center ka maglibot, wag dito." tumatawa pang sabi n'ya sabay inom ng alak sa bote.
"Pasensya na po, hindi na po ako ulit babalik dito." nagmamadali akong tumakbo palabas pero agad ding natigil nang bigla s'yang magsalita.
"Anong pangalan mo, bata?" nakangiting sabi n'ya pero agad din itong nawala nang magpakilala ako sakanya.
"Vergara? Anak ka ba ni Sun?" kunot-noong tanong n'ya at tumango naman ako.
Bahagya akong napaatras nang bigla s'yang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa balikat.
"Sino ang mama mo? Si Angelina ba? Kasama mo ba ang mama mo? Alam ba n'ya kung nasan si Precious? Si Sun? Kasama mo ba dito?" sunod-sunod na tanong n'ya.
"U-hh, wala po akong mama e. Hindi ko po kilala si Precious pero nasa bahay po si Dad." sagot ko at kita ko kung paano bumagsak ang balikat n'ya.
"Iniwan kayo ng mama mo?" tanong bago mapaklang tumawa. "Magkaibigan nga, ang galing mang-iwan e." sarkastikong bulong n'ya.
Hinatid n'ya ako pauwi sa amin at buti nalang ay naabutan namin si Dad. Nag-usap sila saglit ni Dad sa labas habang ako naman ay sinalubong sa sala nang tumatakbong si Summer.
"K-kuyy.." tawag n'ya sa'kin habang dala-dala ang manika n'ya.
Hindi pa s'ya gaanong nakakapagsalita ng ayos pero marunong ng lumakad at tumakbo. Kaya ayan, walang ibang ginawa kundi ang sumama sa'kin.
Naupo kami sa sala at nanood ng TV.
"Kuyy, babbiiee!" sigaw n'ya habang nakaturo sa TV.
"Ayoko! Barbie na naman!" reklamo ko pero nang makita ko ang pag-nguso n'ya at malapit ng umiyak ay bumigay din agad ako.
Nanonood kami ng TV habang ang bulol na si Summer ay pakanta-kanta pa sa tabi ko. Bumalik si Dad sa loob upang magpaalam na aalis na s'ya at sabihin sakin na nandito daw si Yuri.
Pagkapasok ni Yuri ay agad na nalipat ang tingin n'ya kay Summer.
"O? Ba't gising yan? Di ba ang mga baby laging tulog?" tanong n'ya at saka pinukol ng masamang tingin si Summer nang hampasin s'ya nito gamit ang manika n'ya.
"Edi patulugin mo." tanging sabi ko bago itinuon ang atensyon sa TV. Nagawa ko itong ilipat sa paborito kong palabas dahil si Summer ay naging abala sa pangungulit kay Yuri.
Bumalik sa'kin ang mga ala-alang yun habang nandito ako sa kwarto ni Summer. Pinapatulog ang anak n'yang si Mavi. Parang kailan lang, si Summer ang binabantayan kong matulog. Ngayon, anak na nila ni Yuri ang pinapatulog ko.
Kung di lang nagpaka-gago si Yuri. Edi sana kasama n'ya ang mag-ina n'ya ngayon.
Napabuntong-hininga ako habang tinititigan si Mavi na 6 years old na ngayon. Wala si Summer dahil may pasok sya at dahil day-off ko naman. Ako nalang ang nagbantay kay Mavi. Ganon kami mula nang manganak s'ya, salitan kaming dalawa sa pag-aalaga.
Ayaw naming kumuha ng yaya dahil gusto naming kami mismo ang mag-alaga at magpalaki kay Mavi.
Pitong taon na ang nakakalipas mula nang akuhin ko ang responsibilidad kay na Summer at Mavi. Pitong taon na din ang nakakalipas mula nang iwan n'ya ako.
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...