Settling Down.
"Nanay, miss na miss na kita. Sayang lang at wala ka dito ngayong malapit na akong ikasal." inaalo ko si Mira dahil sa sobra nitong pag-iyak. Baka mamaya ay mapano pa. "Ikasal sa maling tao."
Napatigil ako sa pag-alo at sinamaan s'ya ng tingin. Tumawa naman s'ya at nag-peace sign pa sa'kin. Napairap nalang ako.
Ano pa bang ie-expect ko? E baliw nga.
"Good news, Nay. Buntis na si Ace."
"Umayos ka nga, panay ka biro." asik ko.
"Sayang, Nay. Hindi mo makakalaro ang apo mo sa........ apo ba saan?" nagkibit balikat ako dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy n'ya. Basta mag-lola.
"Tsaka, another good news. Nahanap ko na si Papa at okay na din kami ni Mama Angelina. Sana masaya ka para samin, Nay. Kahit wag ka na maging masaya para kay Ace, kahit para sa'kin lang." mahina naman itong natawa sa sarili n'yang biro.
Sa pangalawang pagkakataon ay umirap na lamang ako. Napansin ko kasi na madalas na ang pagbibiro ni Mira. Hindi ko alam kung parte ba yun ng pagbubuntis n'ya o hindi.
Nandito kami ngayon sa columbarium upang mabisita naman ni Mira si Nanay Selia. It's been 7 years pero masakit parin hanggang ngayon para sa amin ang pagkawala ni Nanay.
Kahit si Mama, even though kompleto na kami ay nate-tyempuhan ko parin sya minsan na umiiyak mag-isa sa kwarto. Sa tuwing magkakasama kami ay pansin ko ang mga pekeng ngiti na iginagawad n'ya samin. Alam kong sobra s'yang nahihirapan dahil hindi lang naman si Nanay ang nawala sakanya kundi pati si Mira.
"Uuwi na tayo, gusto mo bang kumain?" tanong ko nang makasakay kami sa kotse.
"Mamaya na tayo kumain. May dadaanan muna tayo."
Nagtataka man ay pinili ko nalang na manahimik. Pinausad ko na ang kotse at sinunod ang direksyon na sinasabi ni Mira. Mga ilang minuto pa bago kami nakarating sa isang sementeryo.
"Sinong bibisitahin mo dito? Si Lolo Andres?"
"Tanga!" binatukan n'ya ako. "Buhay pa talaga si Lolo. Ang bad mo."
Nagulat naman ako at agad na nahiya sa sinabi ko. Buhay pa pala.
"Sorry naman, di ko na kasi s'ya nakikita." sagot ko habang nagpapark.
Nauna na akong bumaba at sumunod naman s'ya. Matapos ay may nilapitan s'yang isang bata na nagbebenta ng bulaklak at kandila.
"Nasa bahay nalang kasi si Lolo, matanda na e."
Palinga-linga ako sa paligid habang patuloy ang pagsunod kay Mira. Hanggang sa dinala kami sa isang maliit na puntod.
Agad na lumuhod si Mira at kumuha ng lighter sa sling bag n'ya. Sinindihan nito ang kandila at saka nilapag ang bulaklak.
"Hoy, ba't ka merong lighter? Nagyo-yosi ka no?"
"Excuse me? Healthy ang lifestyle ko ah. For protection yan."
"Protection? Lighter? Mage-gets ko pa kung pepper spray yan o kutsilyo e. Hindi mo naman masusunog ang aatake sayo gamit yan."
"Ah basta. For emergency purposes 'to." giit nito at naupo naman ako sa tabi n'ya sa damuhan.
Tinuro n'ya ang litrato ng isang baby sa may tombstone. Hindi ko maiwasang maluha nang mapagtanto ko kung sino ang binibisita namin ngayon.
"S'ya si Chase?"
BINABASA MO ANG
Ginoo (Lorn Series #2)
RomanceAce is a rich, carefree guy who grew up in abroad. He lived there with no one but himself. But when he returned to the Philippines, he fell in love with someone who left him just to give him a complete family. Will he be happy with his family even t...